Awra Briguela, next week pa raw makakapag-piyansa ayon sa pahayag ng SPD
- Next week pa raw ang pinakamaagang posibilidad na makapag-piyansa si Awra Briguela
- Ito ay ayon sa pinadalang pahayag ng Southern Police District sa Inquirer.net
- Sa kabila ng inquest proceedings sa Makati City’s Prosecutor’s Office nitong umaga, baka next week pa raw siya makapagpiyansa matapos ma-raffle ang kanya kaso
- Kasalukuyan pa ring nasa kustodiya ng Makati police si Awra at kinakaharap ang mga kasong physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority, at direct assault
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Hindi pa makakapag-piyansa si Awra Briguela ngayon at posibleng next week pa raw ayon sa pinadalang pahayag ng Southern Police District sa Inquirer.net. Kailangan daw ma-raffle muna ang kaso niya para malaman kung kanino mapupunta or sino ang hahawak ng kaso niya.
Sa kabila ng inquest proceedings sa Makati City’s Prosecutor’s Office nitong umaga, aabutin pa siya ng sususnod na linggo dahil hindi pa na-raffle ang kaso niya.
“Baka next week siguro kapag na-raffle na… para malaman [kung] kanino mapupunta or sino ang hahawak ng kaso.”
Nagsalita naman sa News 5 ang isa sa mga nasangkot sa rambulan. Ayon sa lalaking tinawag na "Mark" baka nakursunadahan daw siya at sinabing sinundan siya ni Awra.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa naunang ulat naman ng Inquirer, ayon sa police report ay pinaghuhubad umano ng grupo ni Awra ang lalaking nakaaway niya at tumanggi umano ito.
Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos mag-viral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa mundo ng showbiz. Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.
Isang nagpakilalang kaibigan ni Awra ang nagbahagi ng pahayag kaugnay sa viral na video ni Awra. Makikita sa IG stories ng IG user na may handle na @simpforzayla na kasama si Awra sa kanyang video sa kanilang pagpunta sa isang bar sa Poblacion sa Makati. Aniya, may isang lalaki na nangbastos sa kanya at sa isa pa nilang kaibigan kaya kinausap umano ni Awra ang lalaki ngunit nagkainitan sila. Dagdag pa niya, ang lalaki daw ang unang nanuntok kay Awra kaya lumaban si Awra.
Isa sa sangkot sa rambulan na kinasangkutan ni Awra ang nagsalita sa News5. Ayon sa lalaking tinawag na "Mark" baka nakursunadahan daw siya at sinabing sinundan siya ni Awra. Kasamahan daw ni Awra ang unang nanuntok at lumaban na lang daw siya. Nauna na ring nagsalita ang ilang kaibigan at kasamahan ni Awra patungkol sa umano'y pangbabastos sa kaibigan ni Awra na siyang nag-udyok sa Kapamilya star para kausapin ang umano'y nangbastos sa kanyang kaibigan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh