Elisse Joson at anak, kinaaliwan sa kanilang pagrampa sa bridal fashion show

Elisse Joson at anak, kinaaliwan sa kanilang pagrampa sa bridal fashion show

- Ibinida ni Elisse Joson ang kanilang pictures sa isang bridal fashion show

- Kasama niyang rumampa ang anak nila ni McCoy de Leon na si Felize

- Aminado naman si Elisse na 'proudest moment' sa kanya bilang isang ina na makasama si Felize sa pagrampa

- Marami naman ang nagkomento at naaliw sa mag-ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Proud na ibinida ni Elisse Joson ang pictures nila ng anak niyang si Felize. Kasama niyang rumampa ang anak nila ni McCoy de Leon sa isang bridal fashion show.

Elisse Joson at anak, kinaaliwan sa kanilang pagrampa sa bridal fashion show
Elisse Joson at anak, kinaaliwan sa kanilang pagrampa sa bridal fashion show (@elissejosonn)
Source: Instagram

Ani Elise ay proudest moment sa kanya bilang ina ang makasama ang kanyang anak na rumampa kaya hindi na niya masyadong napagtuonan ng pansin ang kanyang pagrampa. Aniya ay happy moment din para sa kanila ang pagrampa nilang mag-ina.

Proudest moment having my little girl walk the runway with me. Sa sobrang excited/nervous for Felize, bahala na yung sariling walk noh Important is, she had such a happy moment doing this! Thank you @julianne_syjuco for thinking of us to open for you.

Read also

Derek Ramsay, tinupad ang pangakong nerf gun wall rack kay Elias

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si McCoy de Leon ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Hashtags ng noontime show na "It's Showtime". Naging bahagi din siya ng isang edisyon ng "Pinoy Big Brother" na naging daan para mas makilala siya at maipareha sa aktres na si Elisse Joson.

Matatandaang pinasalamatan ni McCoy si Elisse sa sorpresa nito sa kanya para sa kanyang kaarawan. Kalakip ng kanyang mga ibinahaging mga litrato ay ang kanyang mensahe para sa ina ng kanyang anak na si Felize. Sa kanyang mga binahaging pictures ay makikita ang kanilang naging pagdiriwang kasama ang iba pa niyang kapamilya at kaanak. Naroroon din ang kanyang mag-inang sina Elisse at Felize na kadalasang laman ng social media post ng aktor.

Matapos maging usap-usapan ang cryptic post ni Elisse kaugnay sa aniya'y paghihirap nila ng kanyang anak, nagbahagi din ng mensahe si Mccoy de Leon. Aniya, maya't-maya niya tinitingnan kung maayos ang kalagayan ng kanyang mag-ina. Kagaya ni Elisse, aniya ay wala na din siyang maayos na tulog ngunit aniya sana ay huwag silang sumuko. Dagdag pa ni McCoy, gagawin niya ang lahat para lang masigurong mapasaya at maprotektahan niya ang kanyang mag-ina.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel