Derek Ramsay, tinupad ang pangakong nerf gun wall rack kay Elias

Derek Ramsay, tinupad ang pangakong nerf gun wall rack kay Elias

- Pinakita ni Ellen Adarna ang video ng paglalagay ni Derek Ramsay ng wall rack para sa mga nerf blasters ni Elias

- Ani Derek, tinutupad niya ang kanyang pangako kaya naglalagay siya ng lagayan ng mga nerf gun

- Ito umano ang rule number 1 nilang mag-asawa sa kanilang anak at sa susunod pa nilang anak at ito ay ang tuparin ang anumang pinangako

- Binati din ni Derek si Elias sa kaarawan nito sa pamamagitan ng isang post

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tinupad ni Derek Ramsay ang pinangako niyang nerf gun wall rack kay Elias. Sa kabila ng kanyang pagiging metikuloso sa bahay ay pinatunayan niya ang pagmamahal at pagpapahalaga nito kay Elias.

Derek Ramsay, tinupad ang pangakong nerf gun wall rack kay Elias
Derek Ramsay, tinupad ang pangakong nerf gun wall rack kay Elias (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Sa binahaging video ni Ellen ay maririnig ang tila pangangantiyaw niya kay Derek ng "Promise pa" habang ginagawa ni Derek ang pinangakong wall rack.

Read also

Marian Rivera, ibinida ang walang kupas na dance moves sa bagong TikTok video

Ito umano ang rule number 1 nilang mag-asawa sa kanilang anak at sa susunod pa nilang anak at ito ay ang tuparin ang anumang pinangako.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Binati din ni Derek si Elias sa kaarawan nito sa pamamagitan ng isang post. Nakatakdang magdiwang ng kaarawan si Elias ngayong June 27.

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Read also

Gigi De Lana, may pakiusap: "Please be kind, ang dami na nang scam sa'kin"

Aminado si Ellen na masaya siya sa buhay niya ngayon bilang maybahay ni Derek Ramsay at bilang isang ina. Hindi naman daw niya binabalak na bumalik sa ngayon sa showbiz dahil gusto niya ang tahimik na buhay niya sa kasalukuyan. Plano daw nilang mag-asawa na magkaanak ngayong taon at kung siya ang masusunod ay babae sana ang gusto niya na magiging anak nila. Kung magbuntis man siya ngayong taon ay pitong taon muli gusto niyang tutukan ang magiging anak nila ni Derek.

Pabirong sinagot ni Ellen ang tanong ng isang netizen kung may balak daw ba itong magkaanak sila ng asawang si Derek Ramsay. Ani Ellen, pinagdadasal niyang si Derek na lang daw ang magbuntis dahil aniya ay nakakapagod magbuntis. Matatandaang sa isang panayam ay nauna niya nang sinabi na hindi muna siya magbabalik telebisyon para matutukan ang plano nila na magkaanak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel