Derek Ramsay at Ellen Adarna, ibinida ang anak na si Elias sa kanyang first day of school

Derek Ramsay at Ellen Adarna, ibinida ang anak na si Elias sa kanyang first day of school

- Binahagi nina Derek Ramsay at Ellen Adarna sa kanilang Instagram stories ang unang araw ni Elias sa pagpasok sa paaralan

- Makikita sa video na binahagi ni Ellen Adarna ang paghatid nila sa anak sa school nito

- Maging si Derek ay binahagi ang naturang video sa kanyang Instagram story kalakip ng kanyang mensahe tungkol sa pagiging proud niya kay Elias

- Matatandaang maging si John Lloyd Cruz na biological father ni Elias ay puring-puri si Derek sa pagtayo nito bilang ama din ni Elias

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Derek Ramsay, proud siya kay Elias Modesto nang ibida niya ang video na kuha sa unang araw ng pagpasok nito sa paaralan. Makikita sa video ang pagpapaalam ni Ellen sa anak matapos niya itong ihatid.

Derek Ramsay at Ellen Adarna, ibinida ang anak na si Elias sa kanyang first day of school
Derek Ramsay at Ellen Adarna, ibinida ang anak na si Elias sa kanyang first day of school (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Sa naturang video ay inihayag ni Derek na proud siya kay Elias. Naibahagi din ni Ellen ang video na ito sa kanyang Instagram story. Lumingon pa si Elias sa naturang video upang magpaalam sa kanyang mommy.

Read also

Vice Ganda, bagong endorser ng Shopee: "Nakapag reinstall na ba lahat?"

Ellen Adarna, sinabing ang magpakasal 'craziest thing' na ginawa niya sa ngalan ng pag-ibig
Ellen Adarna, sinabing ang magpakasal 'craziest thing' na ginawa niya sa ngalan ng pag-ibig (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram
Si Elias ay limang taong gulang sa kasalukuyan.

Derek Ramsay at Ellen Adarna, ibinida ang anak na si Elias sa kanyang first day of school
Derek Ramsay at Ellen Adarna, ibinida ang anak na si Elias sa kanyang first day of school (@ramsayderek07)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel