Ellen Adarna, naging delivery girl para magpasalamat sa tumangkilik sa kanyang produkto

Ellen Adarna, naging delivery girl para magpasalamat sa tumangkilik sa kanyang produkto

- Personal na inihatid ni Ellen Adarna ang mga produktong binili ng customers mula sa kanyang binebentang produkto

- Sa kanyang post ay pinasalamatan ni Ellen ang mga customers na aniya ay naniwala sa kanyang mga produkto

- Hindi naman maitago ng customer na kanyang pinuntahan ang tuwa na makita nang personal si Ellen

- Si Ellen ang may-ari ng kompanyang e11ven.life na may mga produktong wellness and beauty products

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Si Ellen Adarna mismo ang nagsilbing delivery girl para sa maswerteng customer ng kanyang produktong wellness and beauty products. Sa post na naibahagi ni Ellen, pinasalamatan niya ang customer dahil sa pagtitiwala nito sa kanilang produkto.

Ellen Adarna, naging delivery girl para magpasalamat sa tumangkilik sa kanyang produkto
Ellen Adarna, naging delivery girl para magpasalamat sa tumangkilik sa kanyang produkto (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Hindi naman maitago ng customer ang kanyang kasiyahan na makita nang personal si Ellen na kasalukuyan ay hindi gaanong nakikita ng publiko simula nang magpahinga ito sa kanyang showbiz career.

Read also

Pastor Dimver Andales, nakatanggap ng subpoena kaugnay sa Adriane Fornillos murder case

At your service Madamme thank you for the support and believing in our products! we ship worldwide and hopefully i can deliver worldwide lol

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.

Read also

Mayor Niña Jose, umalma sa komento sa kanya: "No one has any right to degrade me"

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel