Kris Aquino, walang alam sa pagsasapubliko ng kanyang "full of love relationship”

Kris Aquino, walang alam sa pagsasapubliko ng kanyang "full of love relationship”

- Nagbahagi si Kris Aquino ng kanyang saloobin para sa aniya ay kayang peace of mind

- Patungkol ito sa aniya'y pagpunta sa LA ng taong hindi niya pinangalanan para daw alagaan siya at pagsasalita nito tungkol sa kanilang relasyon

- Ani Kris, nag-aadjust pa lamang daw sila sa isa't isa at hindi rin maiiwasang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan

- Napagtanto daw ni Kris ang kanyang "lack of wisdom" sa pagpasok sa panibagong relasyon habang sumasailalim siya sa pagpapagamot para sa kanyang sakit ngunit umaasa daw siyang maayos nila ang kanilang hindi pagkakaunawaan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Kris Aquino, walang concent niya ang pagkwento ng isang taong hindi na niya pinagalanan tungkol sa kanilang relasyon. Ani Kris, nag-aadjust pa lamang daw sila sa isa't isa at hindi rin maiiwasang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

Read also

Skusta Clee aminadong hindi perpektong karelasyon pero kaya raw magpaka-tatay

Kris Aquino, sinabing walang consent niya ang aniya'y pagsapubliko ng relasyon
Kris Aquino, sinabing walang consent niya ang aniya'y pagsapubliko ng relasyon (@krisaquino)
Source: Instagram

Napagtanto daw ni Kris ang kanyang "lack of wisdom" sa pagpasok sa panibagong relasyon habang sumasailalim siya sa pagpapagamot para sa kanyang sakit ngunit umaasa daw siyang maayos nila ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

Matatandaang sa panayam kay Mark Leviste sa TeleRadyo noong June 16, nagsalita ito tungkol sa pagpunta niya sa LA at pag-aalaga niya kay Kris. Nagbigay din ito ng pahayag tungkol sa kanilang relasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan. Humingi din siya ng pasensya sa mga Batangueño dahil sa oras na iginugugol sa kanya ni VG Marc. Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas .

Read also

Xyriel Manabat, iniyakan umano ang pagiging 'unfair' ng mga tao sa pagtanggap sa kanya

Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho. Ito ang kanyang sagot sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post at nagsabing hinihintay nito ang pagbabalik ni Kris. Ayon pa kay Kris walang lunas ang sakit niyang Churg Strauss o kilala din bilang EGPA.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate