Mayor Bullet Jalosjos ng TAPE sa Eat Bulaga: "The name stays with us"
- Ipinaliwanag ni Mayor Bullet Jalosjos ng TAPE Inc. kung bakit sila pa rin ang gumagamit ng pangalang 'Eat Bulaga' sa naiwang noontime show ng Tito, Vic and Joey
- Taong 2011 nang makuha umano nila ang trademark na ito at wala naman umanong tumutol sa hakbang na ito
- Kaya naman masasabi niyang hindi madadala ng TVJ sa kanilang bagong programa sa TV5
- May 31 nang tuluyan nang mamaalam ang trio ng Eat Bulaga sa TAPE Inc. at noong June 7, kinumpirma nila ang paglipat sa TV5
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Idinetalye ni Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos ng TAPE Inc. kung bakit hindi madadala nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon ang pangalang Eat Bulaga.
Sa panayam sa kanya ni Pinky Webb ng CNN Philippines, nasabi ni mayor bullet ang tungkol sa trademark na nakuha nila noong 2011 at ang unang application nito noon pang 1991.
"Syempre, kami po ang nag-trademark niyan 'nung 2011. And we also had another application 1991. So just the fact na walang iba na nag-oppose. None of them, none of the TVJs, No one oppose our filing for the trademark of Eat Bulaga, it just means to say na talagang it's clear. The name stays with us, the company and with the incorporation. So hindi po talaga pwedeng madala po 'yung Eat Bulaga"
Ipinaliwanag din niya ang nasa kontrata ng GMA kung saan "TAPE Eat Bulaga" ang nakasaad. Dahilan para ipagpatuloy nila ang programa kasama ang mga bagong hosts.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Eat Bulaga is really TAPE. In fact ang kontrata ng GMA 7 is with TAPE Eat Bulaga. I don't think it... we need a lawyer, it takes a lawyer to understand that we have been running for 44 years. Kahit 'yung mga lolo at lola natin ngayon, alam na Eat Bulaga is really in GMA 7. And we will uphold the contract with them, and them as well. So talagang 'yung show na ipapakita namin sa channel 7 will always be Eat Bulaga.
Narito ang kabuuan ng panayam sa Chief Finance Officer ng TAPE Inc. na si Mayor Bullet Jalosjos mula sa CNN Philippines:
Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show 'di lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo na unang sumaere noong taong 1979. Una itong sumaere sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon at ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh