Gardo Versoza muling sasailalim sa operasyon: "Lord, kayo na po ang bahala"

Gardo Versoza muling sasailalim sa operasyon: "Lord, kayo na po ang bahala"

- Nagbahagi ng post si Gardo Versoza na kuha sa ospital kung saan nagbigay siya ng mensahe

- Pinagpapasa-Diyos ni Gardo ang kanyang operasyon na nauna na rin niyang nabanggit sa mga naunang panayam

- Matatandaang nauna na siyang naoperahan ngunit naibalita na sasailalim siya sa angioplasty operation para sa ikalawang baradong ugat

- Bumuhos naman ang dasal at mensahe ng suporta sa aktor maging mula sa kanyang mga kasamahan sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Gardo Versoza ng picture niya na kuha sa ospital. Kalakip ng picture ay ang kanyang mensahe kung saan pinapapasa-Diyos niya ang kanyang operasyon para sa ikalawang baradong ugat.

Gardo Versoza bago ang kanyang operasyon: "Lord, kayo na po ang bahala"
Gardo Versoza bago ang kanyang operasyon: "Lord, kayo na po ang bahala" (@gardo_versoza)
Source: Instagram

Matatandaang matapos siyang atakehin sa puso noong Abril nang lumabas ang balita tungkol sa pagkaka-ospital niya. Sumailalim na rin siya sa angioplasty ngunit dalawang ugat daw ang nakitang barado kaya dapat pa siyang sumailalim sa pangalawang operasyon. Naibahagi niya ito sa mga naging panayam sa kanya.

Read also

Magulang ni Xander Arizala, humingi ng tulong kay Merck para daw iparehab si Xander

Bumuhos naman ang dasal at mensahe ng suporta sa aktor maging mula sa kanyang mga kasamahan sa showbiz. Kabilang sina Ogie Alcasid, Maritoni Fernandez, Lorna Tolentino, Julius at Tintin Babao at marami pang iba sa mga nagpahayag ng suporta sa aktor.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Mennen Torres Polintan o mas kilala sa kanyang screen name na Gardo Versoza ay isang kilalang sikat na aktor na naging bahagi ng mga pelikula at mga TV shows. Siya ay nakilala sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa kanyang mga naging pelikula ay Sabik Sa Halik, Machete II, Halimuyak Ng Babae at Kirot.

Matatandaang naisugod sa ospital si Gardo dahil sa atake sa puso at nalampasan naman niya ang naturang pagsubok. Naibahagi ng kanyang asawa ang picture na kuha sa ospital matapos niyang makarekober sa atake at nagpapagaling. Nagpasalamat si Gardo sa kanyang asawa, sa Panginoon at sa mga doktor na tumulong sa kanya.

Matapos nga niyang ma-ospital at maadmit sa ICU dahil sa atake sa puso, naibahagi ng kanyang maybahay na si Ivy Vicencio na nakalabas na sa ospital si Gardo. Gayunpaman, may gagawin pang angioplasty sa kanyang mister sa susunod na dalawang buwan. Sa post ni Ivy, makikita ang pagdalaw ni Gardo sa isang simbahan para magsimba. Nakasakay pa rin ito sa kanyang wheelchair.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel