Magulang ni Xander Arizala, humingi raw ng tulong kay Merck para raw iparehab si Xander

Magulang ni Xander Arizala, humingi raw ng tulong kay Merck para raw iparehab si Xander

- Naibahagi ni Christian Merck Grey na tumawag daw ang magulang ni Xander Arizala sa kanya

- Napag-alaman daw niya na hindi totoo ang sinabi ni Xander na kalahating milyon ang kanilang nagastos sa binyag ng anak

- Totoo daw na nagutang sila pero sinabi raw sa kanya na hindi naman ganoon kalaking halaga ang kanilang inutang

- Humingi din daw ng tulong ang magulang ni Xander para iparehab daw ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Christian Merck Grey na nakausap daw siya ng magulang ni Xander Arizala at napag-alaman niya mula sa mga magulang na hindi umano ito umuwi ng dalawang araw matapos niyang makuha ang pera mula kay Merck.

Magulang ni Xander Arizala, humingi ng tulong kay Merck para daw iparehab si Xander
Magulang ni Xander Arizala, humingi ng tulong kay Merck para daw iparehab si Xander (Xan Der Arizala)
Source: Facebook

Gusto daw nilang magpatulong na iparehab si Xander pero hindi naman daw sinabing tungkol ito sa droga. Maari umanong sa pag-iinom niya at pagbabarkada.

Read also

Zeinab Harake at Bobby Ray Parks, nangulit sa live ng kapatid ni Zeinab

Napag-alaman daw niya na hindi totoo ang sinabi ni Xander na kalahating milyon ang kanilang nagastos sa binyag ng anak. Totoo daw na nagutang sila pero sinabi raw sa kanya na hindi naman ganoon kalaking halaga ang kanilang inutang.

Pinayuhan ni Merck si Marlou tungkol sa pagiging isang mabuting ama sa anak.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakilala din si Marlou Arizala bilang si Xander Ford sa social media. Pinalitan ang kanyang pangalan matapos ang kanyang kontrobersiyal na make over. Gayunpaman, matapos ang mga kontrobersiyang kanyang kinasangkutan ay tuluyan na siyang binitawan ng management na tumulong sa kanyang make-over.

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Xander sa kanyang Instagram stories. Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak. Hindi daw sila sumipot sa binyag at ikinadismaya ni Xander at kahit presensiya lang daw sana ng mga taong ito para sa kanyang anak ay ayos na sa kanya. Hindi naman na binanggit ni Xander kung sino ang kanyang tinutukoy na mga tao.

Read also

Cristy sa bagong concert ni Sarah G: "Magpakita naman po sana ng suporta ang pamilya ni Sarah"

Matatandaang pinangalanan ni Xander si Merck bilang yung taong kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, pinangakuan umano siya nito kaya pinapabayaran niya ang P349K na umano ay pinangako nito sa kanya. Dagdag pa niya, kung alam nila ay hindi na muna sana daw sila nagpabinyag. Humingi din siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan na aniya ay makuha ang pinaglalaban niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel