Zeinab Harake at Bobby Ray Parks, nangulit sa live ng kapatid ni Zeinab

Zeinab Harake at Bobby Ray Parks, nangulit sa live ng kapatid ni Zeinab

- Kasama ni Zeinab Harake si Bobby Ray Parks Jr. na bumati sa mga nanonood sa live selling ng kapatid niyang si Rana Harake

- Hindi sila nagtagal dahil agad din silang umalis at nabanggit pa ni Rana na mag-ingat sila sa kanilang date

- Matatandaang sa komento ni Booby sa post ng babaeng nauugnay sa kanya, sinabi niyang magkikita sila ni Zeinab nang alas 7 para sa kanilang date

- Wala mang direktang pag-amin mula sa kanilang dalawa ay madalas na silang nagbabahagi ng pictures nilang magkasama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kasama ni Zeinab Harake si Bobby Ray Parks Jr. na nangulit sa live selling video ng kapatid niyang si Rana Harake. Hindi din sila nagtagal dahil may date pa daw sila.

Zeinab Harake at Bobby Ray Parks, nangulit sa live ng kapatid ni Zeinab
Zeinab Harake at Bobby Ray Parks, nangulit sa live ng kapatid ni Zeinab (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Matatandaang sa komento ni Bobby sa post ng babaeng nauugnay sa kanya, sinabi niyang magkikita sila ni Zeinab nang alas 7 para sa kanilang date. Ani Rana, naging alas 10 na ang kanilang date.

Read also

Cristy sa bagong concert ni Sarah G: "Magpakita naman po sana ng suporta ang pamilya ni Sarah"

Wala mang direktang pag-amin mula sa kanilang dalawa ay madalas na silang nagbabahagi ng pictures nilang magkasama.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakasikat na social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee at nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan silang naghiwalay.

Kamakailan ay biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya. Pabiro naman siyang sinagot ni Xian na paalis na siya lalo kung dalawa silang susunod. Hindi man binanggit ni Xian ang pangalan kung sino ang tinutukoy niya, nagbiro ito ng tungkol sa viral na video na binahagi ni Bobby Ray Parks Jr. na sinusuklay niya ang buhok ni Zeinab.

Read also

Bobby Ray Parks, pinagtanggol si Zeinab Harake sa alegasyon ng babaeng dating nauugnay sa kanya

Ibinahagi ni Zeinab ang picture niya kasama ang basketbolistang si Bobby Ray Parks. Makikita sa binahagi niyang Instagram story na magkahawak kamay sila. Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan ang komento ni Bobby sa post ni Zeinab kung saan sinabi nito na sana sagutin na siya ni Zeinab. Bago ito ay nagbahagi ang basketbolista ng video kung saan may nilalagay siya sa buhok ni Zeinab.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel