Cristy sa bagong concert ni Sarah G: "Magpakita naman po sana ng suporta ang pamilya ni Sarah"

Cristy sa bagong concert ni Sarah G: "Magpakita naman po sana ng suporta ang pamilya ni Sarah"

- Magkakaroon umano ng concert sina Sarah Geronimo-Guidicelli at si Bamboo

- Ayon kay Cristy, marami umano ang nagsasabing sana'y dumating na ang pamilya ni Sarah para suportahan siya sa naturang show

- Matatandaang sa 20th anniversary concert ni Sarah, walang anumang bakas ng kanyang pamilya ang nakita sa mahalagang araw na iyon para sa Popstar royalty

- Gayunpaman, nagbigay pugay si Sarah sa kanyang mga magulang sa isang emosyonal na bahagi ng naturang concert.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa pinakaabangang concert ng taon ngayon ay ang pagsasama nina Sarah Geronimo Guidicelli at Bamboo sa July 7 sa Araneta Coliseum.

Cristy sa bagong concert ni Sarah G: "Magpakita naman po sana ng suporta ang pamilya ni Sarah"
Sarah Geronimo (@justsarahgph)
Source: Facebook

Dahil dito, nabuhay ang pag-asa ng netizens lalo na ng fans ni Sarah G na sana'y makadalo ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang magulang bilang suporta.

Read also

Cristy sa Sparkle artists na posibleng maging hosts ng Eat Bulaga: "Maglagay sila ng nameplate"

Nalaman ng KAMI na isa ito umano sa naibahagi ni Cristy sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! kamakailan.

"Ang tanong po ng ating mga kababayan, sana naman po this time, magpakita naman po sana ng suporta ang pamilya ni Sarah sa kanya."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang sa ginanap na 20th anniversary concert ni Sarah sa Araneta noong May 12, wala ni isang miyembro ng kanilang pamilya ang dumalo.

Gayunpaman, matatandaang isang emosyonal na bahagi ng naturang concert ang pagbibigay pugay ni Sarah sa kanyang pamilya lalong lalo na sa kanyang Mommy Divine at Daddy Delfin na naging malaki ang bahagi sa tagumpay na patuloy niyang tinatamasa ngayon.

Samantala, nabanggit din ni Cristy ang ilang komento kay Sarah na maaring ang hindi pa rin nila pagkakaunawaan ng kanyang pamilya ang dahilan kung bakit hindi pa rin ito magkasupling hanggang ngayon.

Read also

Tito Sotto, sa reaksyon umano ni Joey De Leon: "Mga apat na beses na umiiyak"

"May isa pa nga akong kaibigan na nagkwento na kahit ano pa raw ang gawin nila ni Matteo, hangga't hindi nagkakabati si Sarah at kanyang pamilya, hindi siya magdadalang-tao. 'Yung stress, yung sobrang stress at kalungkutan na hanggang ngayon pa rin ay hindi sila nagkakasundo ng kanyang pamilya. Napakahalagang bahagi 'nun ng pagdadalang tao."
"Sabi niya, makita mo, 'pag nagkabati, magdadalang-tao agad si Sarah."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Sarah Geronimo Guidicelli ang tinaguriang Popstar Royalty ng Pilipinas. Siya ang tinanghal na grand winner ng Star for A Night noong 2003. Mula noon, hindi na mapigilan ang kanyang kasikatan dahil bukod sa pag-awit, nakilala rin siya bilang isang mahusay na aktres. Noong 2020, ikinasal siya sa Filipino actor, model, singer at kart racer na si Matteo Guidicelli.

Bukod sa pagiging isang napakahusay na singer/ performer, pumatok din sa takilya ang ilang pelikula nila ni John Lloyd Cruz tulad ng 'A very special love,' 'You changed my life,' 'It takes a man and a woman,' at 'Finally found someone'

Read also

TAPE: "Ang pag-alis ng mga hosts ay 'di dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo"

Wala pa man muling nagagawang pelikula, nito lamang May 12, sold out ang concert ni Sarah sa pagdiriwang niya ng ika-20 taon sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel