Cristy sa Sparkle artists na posibleng maging hosts ng Eat Bulaga: "Maglagay sila ng nameplate"

Cristy sa Sparkle artists na posibleng maging hosts ng Eat Bulaga: "Maglagay sila ng nameplate"

- Nabanggit ni Cristy Fermin sa Showbiz Now Na! na posibleng mga Sparkle artists ang maging mga bagong hosts ng 'Eat Bulaga'

- Gayunpaman, wala pang kasiguraduhan kung sino ang mga ito lalo na't baguhan ang karamihan na nasa Sparkle

- Inaasahang sa pagpasok ng linggong ito ay makikita na ang mga pagbabago sa 'Eat Bulaga'

- Matatandaang sa pamamaalam ng Tito, Vic at Joey sa TAPE, replay na lamang ang napapanood sa GMA

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Cristy Fermin ang mga pagbabagong inaasahan sa Eat Bulaga sa pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa producer ng programa, ang TAPE Inc.

Cristy sa Sparkle artists na posibleng maging hosts ng Eat Bulaga: "Maglagay sila ng nameplate"
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na pawang mga Sparkle artists 'di umano ang isasalang bilang mga bagong host ng programa ayon kay Cristy.

Read also

Allan K, unang umuwi ngunit bumalik para pumirma sa courtesy letter ayon kay Cristy

"Pero habang nag-uusap tayo ngayon, naghahanda na raw sila nung para sa Sabado. Ang mga isasalang daw po, ayon sa mga kwento, ay mga artista ng sparkle ng GMA. 'Yun daw kabataang artista ng Sparkle."

Mula nang hindi na umano pahintulutan ng TAPE na mag-live ang programa na sinundan ng pamamaalam ng TVJ, puro replay na lamang ang mapapanood sa Eat Bulaga.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ano ang sinasabi ng mga kababayan? 'Yun ba ang sinasabi na higit pa sa isang libo't isang tuwa ang ibibigay nila? E ni hindi nga namin alam kung sino ang isasalang nila."
"Kaya nga ang sabi nila, pupwede kaya kung sasalang ang mga artista ng sparkle, maglagay sila ng nameplate. Kasi nga po, hindi pa po pamilyar ang ating mga kababayan sa mga artista, sa ibang artista ng Sparkle. Natural lang po na hanapan pa nila ng indibidwalidad ang mga artistang ito."

Read also

Cristy sa pahayag ng TAPE sa pamamaalam ng TVJ: "Tono ito ng mga tao na pikon"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Ang Eat Bulaga ang longest-running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979.

Inulan ng intriga ang naturang programa kabilang na rito ang posibleng pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show maging ang Tito, Vic and Joey o TVJ na siyang maituturing na haligi ng Eat Bulaga. Nangyari na ito kamakailan na labis na ikinagulat ng marami.

Sa isang episode ng Showbiz Now Na! natalakay nina Cristy Fermin ang posibilidad na mauwi umano sa demendahan ang nangyayari ngayon sa pagitan ng Tito, Vic and Joey ng Eat Bulaga at ng TAPE Inc.

Dahil sa mga nangyayari, palaisipan kung ano mangyayari sa mga orihinal na host ng Eat Bulaga maging ang kanilang mga kasalukuyang kasama sa programa na namaalam na rin 'di umano sa TAPE.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel