Zeinab Harake, ibinida ang picture nila ni Bobby Ray Parks na magkahawak-kamay

Zeinab Harake, ibinida ang picture nila ni Bobby Ray Parks na magkahawak-kamay

- Ibinahagi ni Zeinab Harake ang picture niya kasama ang basketbolistang si Bobby Ray Parks

- Makikita sa binahagi niyang Instagram story na magkahawak kamay sila

- Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan ang komento ni Bobby sa post ni Zeinab kung saan sinabi nito na sana sagutin na siya ni Zeinab

- Bago ito ay nagbahagi ang basketbolista ng video kung saan may nilalagay siya sa buhok ni Zeinab

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Zeinab Harake ang picture niya kasama si Bobby Ray Parks. Makikitang magkahawak-kamay pa ang dalawa habang tila may pinag-uusapan.

Zeinab Harake, ibinida ang picture nila ni Bobby Ray Parks na magkahawak-kamay
Zeinab Harake, ibinida ang picture nila ni Bobby Ray Parks na magkahawak-kamay (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Wala mang pormal na pag-amin tungkol sa namamagitan sa dalawa, matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan ang komento ni Bobby sa post ni Zeinab kung saan sinabi nito na sana sagutin na siya ni Zeinab.

Read also

Kasambahay na pumasa sa Licensure exams for teachers, inspirasyon ang hatid sa marami

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kasunod ito ng viral video nila na tila nilalagyan ng shampoo ni Bobby si Zeinab.

Zeinab Harake, ibinida ang picture nila ni Bobby Ray Parks na magkahawak-kamay
Zeinab Harake, ibinida ang picture nila ni Bobby Ray Parks na magkahawak-kamay (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Matatandaang matapos lumabas ang video ni Wilbert Tolentino ay dumipensa si Zeinab sa mga nilabas na screenshot ni Wilbert laban sa kanya. Ani Zeinab, cropped ang mga nilabas na conversation ni Wilbert kaya hindi umano nailabas ang kabuuan ng kanyang sinabi. Inisa-isa niyang nilinaw ang mga nilabas na screenshot ni Wilbert na umano ay mga nasabi niya laban sa mga sikat na vloggers. Hiling naman ni Zeinab na tigilan na lang ang gulo at huwag na siyang ididikit sa grupo nina Wilbert para matapos na ang gulo.

Read also

Ogie sa umano'y patutsada ni Rendon: "'Hihina ang bentahan ng motivational rice"

Nilinaw naman ni Zeinab na bago siya nag-live sa Facebook ay tinawagan niya ang mga taong nadawit sa video na nilabas ni Wilbert. Kinausap at nilinaw niya umano sa mga taong nasangkot ang tungkol sa mga lumabas na screenshot na ayon sa kanya ay kulang na dahil cropped umano ang mga ito. Kabilang sina Ivana Alawi at Alex Gonzaga sa kanyang mga tinawagan kaugnay dito at nagkaintindihan umano sila. Maging sa kanyang video ay humingi si Zeinab ng dispensa sa mga taong nadamay pa umano.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel