Toni Fowler, sinagot ang video ng kapatid nya: "Gusto ko lang dumistansya sa inyo"

Toni Fowler, sinagot ang video ng kapatid nya: "Gusto ko lang dumistansya sa inyo"

- Umalma si Toni Fowler sa video na nilabas ng kuya niyang si Lester Fowler tungkol sa kanya

- Inamin niyang wala daw talaga siyang tinulungan sa mga kapatid niya sa father side niya kagaya ng sinabi ni Lester

- Ani Toni, nang makilala niya ang mga kapatid niya ay napagtanto daw niyang napaka-toxic ng mga kapatid niya kaya ginusto niyang dumistansiya sa kanila

- Nagsimula ito nang maglabas si Toni ng TikTok video ng kanyang reaksiyon sa toxic na mga kapamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ni Toni Fowler ang video ng kapatid niyang si Lester Fowler tungkol sa TikTok video niyang toxic family.

Nilinaw ni Toni na kapatid niya talaga si Lester sa ama pero ani Toni ay pinipili niyang lumayo sa mga kapatid niyang aniya ay toxic.

Read also

Kapatid ni Toni Fowler, umalma sa TikTok video ni Toni tungkol sa toxic family

Toni Fowler, sinagot ang video ng kapatid nya: "Gusto ko lang dumistansya sa inyo"
Toni Fowler, sinagot ang video ng kapatid nya: "Gusto ko lang dumistansya sa inyo" (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Kwento ni Toni, 18 na siya nang makilala ang mga kapatid niya sa ama pati na ang kanilang ama. Aniya, nang makilala niya ang mga kapatid niya ay napagtanto daw niyang napaka-toxic ng mga kapatid niya kaya ginusto niyang dumistansiya sa kanila.

Hindi na raw siya naging komportableng makisama sa kanyang mga kapatid sa father side dahil sa pakikitungo daw ng mga ito sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aminado siya na hind siya talaga tumulong sa mga kapatid niya dahil iyon ang kanyang piniling gawin.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Seth Fedelin, nakapagpundar ng farm para sa kanyang papa

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel