Kapatid ni Toni Fowler, umalma sa TikTok video ni Toni tungkol sa toxic family

Kapatid ni Toni Fowler, umalma sa TikTok video ni Toni tungkol sa toxic family

- Inalmahan ng kapatid ni Toni Fowler ang TikTok video nito na nagsalita siya tungkol sa toxic Filipino culture

- Ayon kay Lester Fowler, kapatid ni Toni sa ama wala naman siyang pakialam pero may mga kapatid daw sila na hindi nagustuhan ang video ni Toni

- Aminado si Lester na may mga kapatid silang lumapit kay Toni ngunit aniya ay hindi naman sila tinulungan ni Toni

- Nilinaw niyang kumakayod siya nang sarili niya at okay na siya kung ano man ang subscribers niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagsalita ang kapatid ni Toni Fowler na si Lester Fowler matapos raw sumama ang loob ng iba nilang mga kapatid dahil sa TikTok video ni Toni kung saan nagsalita siya tungkol sa toxic Filipino culture. Ani Lester, 28 silang magkakapatid at totoo naman na may mga kapatid silang hirap sa buhay.

Read also

Toni Fowler, sinagot ang video ng kapatid niya: "Gusto ko lang dumistansya sa inyo"

Kapatid ni Toni Fowler, umalma sa TikTok video ni Toni tungkol sa toxic family
Kapatid ni Toni Fowler, umalma sa TikTok video ni Toni tungkol sa toxic family (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Ani Lester, wala naman siyang pakialam sa video ni Toni ngunit may mga kapatid silang sumama ang loob. Aniya, may kapatid silang lumapit sa kanya noon na nagtitinda ng sabon pero hindi naman niya iyon natulungan.

Pagdating naman sa suporta sa kanya, hindi daw lahat ng kadugo niya ay natutuwa sa mga ginagawa ni Toni.

Hindi lang naman ikaw ang Fowler. So wala ka rin karapatan din siyempreng babuyin yan kasi hindi lang din naman sa'yo yan. Marami nagmamay-ari niyan. At maraming Fowler na iningatan din nila ang kanilang apelyido.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nilinaw niyang kumakayod siya nang sarili niya at okay na siya kung ano man ang subscribers niya at hindi para sumakay sa kasikatan ni Toni.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Tyronia Fowler, may kundisyon bago magkaroon ng kapatid: "Kasal muna po"

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel