Cristy sa engagement ni LJ Reyes: "Isang malaking sampal ito kay Paolo Contis"

Cristy sa engagement ni LJ Reyes: "Isang malaking sampal ito kay Paolo Contis"

- Nagbigay komento si Cristy Fermin patungkol sa engagement ni LJ Reyes kamakailan

- Aniya, malaki ang posibilidad na may kirot umano ito kay Paolo Contis na huli nitong nakarelasyon

- Gayunpaman, matatandaang nagbigay pahayag na si Paolo ukol dito at sinabing masaya siya para kay LJ

- Kasalukuyan pa rin na nasa Amerika si LJ kasama ang mga anak matapos ang naging hiwalayan nila noong 2021 ni Paolo Contis

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nakawala sa talakayan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang tungkol sa engagement ni LJ Reyes kamakailan.

Cristy sa engagement ni LJ Reyes: "Isang malaking sampal ito kay Paolo Contis"
LJ Reyes and Phillip Evangelista (@lj_reyes)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na maging sila ay natutuwa sa napakagandang nangyari na ito kay LJ na nilarawan pa ni Cristy na "hindi sinukuan ang pag-ibig" dahil sa sinapit ng nagdaan niyang mga relasyon.

Read also

Jennica Garcia, kailanman 'di siniraan ang ex: "Mahal ko rin po kasi talaga 'yung family ni Alwyn"

Dahil dito, nasabi ni Cristy na tila sampal umano kay Paolo Contis ang engagement na ito gayung siya ang huling nakarelasyon ni LJ.

"Alam mo, masakit ito para kay Paolo. Natutuwa siya, dahil habang maligaya sila ni Yen, magiging masaya na rin itong si LJ. Pero may ikalawang punto 'yun, masakit 'yun... may hapdi 'yun, may kurot 'yun. Dahil minsan isang panahon nagmahalan sila. At parang walang closure ang kanilang relasyon," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang agad na nakunan ni Ogie Diaz ng reaksyon si Paolo kaugnay sa kaganapan na ito sa buhay ni LJ na inaasahan naman nito na matatanong siya.

"Of course I am very happy for her... Very happy. Nabalitaan ko on the way na ako sa shoot. Feeling ko naman hindi ako 'yung dapat ano, siyempre naiintindihan ko na kukunan ako ng reaksiyon. Pero again I am very, very happy for her," ani Paolo.

Read also

Ogie Diaz sa umano'y hiwalayan ng LizQuen: "'Di ko alam kung pareho nilang gusto 'yun"

May 30 nang magpakilig sa publiko ang mga larawan ni LJ Reyes at ngayo'y fiancé na niyang si Phillip Evangelista. Inulan ng mga masasayang pagbati ang post na ito ng Kapuso actress.

Si LJ Reyes ay isang Filipina actress na produkto ng GMA reality TV show, StarStruck. Bagaman at kasama lamang siya sa Final Four, sunod-sunod naman ang mga naging proyekto niya sa Kapuso Network.

Mas madalas din na mapanood si LJ at ang anak nitong si Summer sa mga vlog ng dating kasintahan na si Paolo Contis.

Kaya naman marami ang nagulat at nalungkot sa biglaang paghihiwalay ng dalawa na nagkataon pang pagpapalabas ng Netflix film ni Paolo na 'A faraway land.'

Kasalukuyan nang namamalagi ngayon sa New York sina LJ at ang dalawa niyang anak na sina Aki at Summer, kapiling na rin ng pamilya ni LJ na naroon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel