Ogie Diaz sa umano'y hiwalayan ng LizQuen: "'Di ko alam kung pareho nilang gusto 'yun"

Ogie Diaz sa umano'y hiwalayan ng LizQuen: "'Di ko alam kung pareho nilang gusto 'yun"

- Nakarating umano kay Ogie Diaz ang tungkol sa hiwalayan nina Liza Soberano at Enrique Gil

- Aniya, hindi malinaw kung parehong nagdesisyon ang dalawa ukol dito

- Gayunpaman, nabanggit ni Ogie na choice umano ni Liza na tutukan muna ang bagong tinatahak na career sa Hollywood

- Maging si Ogie ay umaasang maayos pa umano ito ng dalawa lalo na't nasa walong taon din ang itinagal ng relasyon ng LizQuen

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update natalakay ang nakarating sa kanilang balita na hiwalay na 'di umano sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Ogie Diaz sa umano'y hiwalayan ng LizQuen: "'Di ko alam kung pareho nilang gusto 'yun"
Enrique Gil and Liza Soberano
Source: Instagram

Ayon kay Ogie Diaz, tila ang kanyang dating alagang si Liza Soberano ang nagdesisyon 'di umano sa hiwalayan nila ni Enrique.

"So ayun nga, ang nakarating sa atin ay hiwalay na si Enrique Gil at Liza Soberano. 'Di ko alam kung pareho nilang gusto 'yun pero ang nakarating sa atin, choice ni Liza na tutukan muna niya ang kanyang ano, career programming"

Read also

Miss Grace, nagkwento kay Luis Manzano ukol sa hiwalayan nila ni Pambansang Kolokoy

"Ang nakarating sa atin ay si Enrique Gil ay 'yung nagpu-push pa. Na baka kaya pa, na baka posible pa ring maituloy. Pwede pa rin naman niyang i-allow si Liza kung gusto man ni Liza ay tuparin ang kanyang Hollywood dream, pero sila pa din"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang, minsang naging kontrobersyal ang pinakahuling interview ni Liza sa isang Korean talk show kung saan nabanggit niya ang tungkol sa mga love teams sa Pilipinas.

Kapansin-pansin na hindi niya umano nabanggit na mula siya sa isang love team, at naging boyfriend pa niya umano ang nakapareha.

"Una, hindi niya pinagmamalaki 'yung boyfriend niya. Kasi kung ano, magpo-post yan si Liza tapos nung birthday ni Enrique wala ring greeting online."

Isa rin ang umano'y pagdating kamakailan ni Liza sa Pilipinas ngunit hindi raw alam ito ni Enrique.

Read also

Ogie Diaz, nabalitaang hiwalay na umano ang LizQuen: "Sayang, ilang taon din sila, 8 years"

"Pero isa pang nakadagdag diyan Loi ay 'yung hindi alam ni Enrique Gil na dumating pala dito si Liza. At sinundo siya ng management niya"

Gayunpaman, nananatili pa ring tahimik ang dalawa sa umuugong na balitang ito. Lalo na at naroon pa rin sa Instagram ni Enrique ang ilang sweet photos nila ni Liza.

Si Enrique Mari Bacay Gil ay isang Filipino actor, dancer, entrepreneur, at commercial model. Siya ang naging ka-love team at real life partner ni Liza Soberano. Sa ngayon, nasa ilalim na siya ng pangangalaga ni Ranvel Rufino at nananatili pa ring Kapamilya si Enrique.

Matatandaang gumawa ng ingay ang LizQuen partikular na si Liza Soberano nang lumabas ang "This is Me" vlog niya na naging hudyat ng kabi-kabilang rebelasyon tungkol sa kanya at sa kanilang love team noon ni Enrique.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel