Ogie Diaz, nabalitaang hiwalay na umano ang LizQuen: "Sayang, ilang taon din sila, 8 years"

Ogie Diaz, nabalitaang hiwalay na umano ang LizQuen: "Sayang, ilang taon din sila, 8 years"

- Ibinahagi ni Ogie Diaz ang nabalitaang hiwalay na umano sina Liza Soberano at Enrique Gil

- Ayon sa kanyang source, si Liza umano ang may kagustuhan na tapusin ang relasyon

- Dahil dito, sinasabing gusto pa umano ni Enrique ang relasyona kahit pa nakatutok ngayon si Liza sa kanyang Hollywood career

- Gayunpaman, maging si Ogie ay umaasang maayos pa umano ito ng dalawa lalo na't nasa walong taon din ang itinagal relasyon ng LizQuen

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Idinetalye ni Ogie Diaz ang nakarating umano sa kanya na hiwalay na ang tambalang 'Liz Quen'.

Ogie Diaz, nabalitaang hiwalay na umano ang LizQuen: "Sayang, ilang taon din sila, 8 years"
Liza Soberano and Enrique Gil (@enriquegil17)
Source: Instagram

Nakarating umano kay Ogie na hiwalay na sina Liza Soberano at Enrique at ang aktres ang may kagustuhan 'di umano nito.

"So ayun nga, ang nakarating sa atin ay hiwalay na si Enrique Gil at Liza Soberano. 'Di ko alam kung pareho nilang gusto 'yun pero ang nakarating sa atin, choice ni Liza na tutukan muna niya ang kanyang ano career programming"

Read also

Kuya Wil, 'di na tuloy ang concert sa Amerika; Nagkaproblema sa VIVA ayon kay Cristy

"Ang nakarating sa atin ay si Enrique Gil ay 'yung nagpu-push pa. Na baka kaya pa, na baka posible pa ring maituloy. Pwede pa rin naman niyang i-allow si Liza kung gusto man ni Liza ay tuparin ang kanyang Hollywood dream, pero sila pa din"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kapansin-pansin din di umano ang hindi pagbanggit ni Liza tungkol kay Enrique sa anumang interviews na ginawa niya sa ibang bansa lalo na nang mapag-usapan ang tungkol sa love team sa Pilipinas.

"Una, hindi niya pinagmamalaki 'yung boyfriend niya. Kasi kung ano, magpo-post yan si Liza tapos nung birthday ni Enrique wala ring greeting online."
"Pero na nanatiling tahimik sila pareho sa isyung ito. Parang 'yun nalang ang conclusion ng karamihan lalo na ng sumusubaybay sa LizQuen"

Matatandaang umuwi rin kamakailan ng Pilipinas si Liza subalit hidi nakitang magkasama ang dalawa.

Read also

Cristy, sana'y 'di na binawi ang umano'y pag-amin ni Coco: "Anong masama 'dun?"

"Pero isa pang nakadagdag siyan Loi ay 'yung hindi alam ni Enrique Gil na dumating pala dito si Liza. At sinundo siya ng management niya"

Gayunpaman, aminado si Ogie na nakapanghihinayang umano ang naturang relasyon kaya siya mismo ang nagsabing sana'y hindi totoo ang nabalitaang ito.

"As usual, sana hindi totoo na hiwalay na sila. Sana kung meron mang gap, or kung meron mang di pagkakaunawaan o misunderstanding, ma-patch up. Sayang, ilang taon din sila, 8 years? Sayang din yun di ba? kaya lang siyempre, kung totoo man na wala si Enrique at si Liza, ang importante naman sa isang relasyon e nag-end up kayo na still friends. Kung hindi man friends e civil, with each other"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Enrique Mari Bacay Gil ay isang Filipino actor, dancer, entrepreneur, at commercial model. Siya ang naging ka-love team at real life partner ni Liza Soberano. Sa ngayon, nasa ilalim na siya ng pangangalaga ni Ranvel Rufino at nananatili pa ring Kapamilya si Enrique.

Read also

Joshua sa komentong 'next John Lloyd Cruz': "Gusto ko rin i-prove na may sarili ako"

Kamakailan, nabanggit ni Ogie Diaz na hindi pa umano siya nakatatanggap ng kahit anong mensahe ng pakikiramay mula sa dating alaga na si Liza Soberano.

Matatandaang sumakabilang buhay na ang ina ni Ogie Diaz na si Nanay Carmen at naihatid na sa huling hantungan noong Abril 28. Subalit sa huling sandali, hindi pa rin umano nagpadala ng anumang mensahe si Liza gayundin si Quen.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel