Drummer na kasama ni Moira dela Torre nang 8 taon, iginiit na hindi nag-cheat si Moira

Drummer na kasama ni Moira dela Torre nang 8 taon, iginiit na hindi nag-cheat si Moira

- Maging ang drummer ni Moira dela Torre na kasama daw ng singer mula 2015 ay umalma sa aniya ay misinformation at alegasyon laban kay Moira

- Nilinaw niyang maging siya ay nakikipagdiskusyon kay Moira kung may nakikita siyang mali at pinagtanggol niya rin si Jason matapos nitong ma-cancel

- Aniya, hindi credit grabber si Moira kagaya ng mga binabato sa kanya

- Iginiit niya din na hindi nag-cheat si Moira kay Jason dahil aniya ay hindi nito itatapon ng basta-basta ang marriage lalo at nagka-trauma siya na lumaki sa broken family

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Iginiit ng drummer na nakasama ni Moira dela Torre mula 2015 na hindi nag-cheat si Moira kay Jason Hernandez. Aniya ay hindi nito itatapon nang basta-basta ang marriage niya lalo at nagka-trauma siya na lumaki sa broken family.

Read also

Kuya Wil, 'di na tuloy ang concert sa Amerika; Nagkaproblema sa VIVA ayon kay Cristy

Drummer na kasama ni Moira dela Torre nang 8 taon, iginiit na hindi nag-cheat si Moira
Drummer na kasama ni Moira dela Torre nang 8 taon, iginiit na hindi nag-cheat si Moira (@moiradelatorre)
Source: Instagram

Inisa-isa niyang pinabulaanan ang mga alegasyon laban kay Moira kabilang na ang umano'y pagiging credit grabber nito. Aniya, si Moira mismo ang nakikipaglaban para sa isang tao na hindi nabibigyan ng tamang credit para sa kanya.

She’s the first to fight for someone when he/she isn’t given the credit he/she is due. She finds a way to honor her band in every show even if, technically, we’re just session musicians

Naniniwala raw siya na hinding-hindi gugustuhin ni Moira na maulit ang nangyari sa pamilya niya kaya hindi siya naniniwalang ganun na lang kadali na balewalain ni Moira ang kanyang marriage.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

All her life, she has lived with the trauma of witnessing infidelity and having a broken family. Her main goal was to not have a repeat of that. Can you blame her for her reaction?

Read also

Moira dela Torre, pinagtanggol ng Vice President ng Cornerstone Entertainment

Aniya, nawa ay huwag basta-basta maniniwala sa kasinungalingan at ipagdasal na lamang na magkaayos sila Moira at Jason.

Let’s not be too quick to believe lies and misinformation, and continue to pray for the couple as they resolve things PRIVATELY. Thank you, and Godbless

Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Pinatunayan ni Moira na siya nga ang Hugot Queen matapos nitong kantahin ang mga awiting ayon sa kanyang fans ay talaga namang mapanakit. Sa kanyang katatapos lang na concert ay usap-usapan ang mga makahulugang awitin ni Moira. Hindi maiwasang iugnay ng netizens ang mga mensahe ng kanta niya sa kanyang personal na karanasan. Kabilang nga sa kinanta niya ay ang mga kantang nagpapahiwatig ng pagloko sa kanya ng maraming beses.

Read also

Joshua sa komentong 'next John Lloyd Cruz': "Gusto ko rin i-prove na may sarili ako"

Sinagot ni Moira ang komento ng isang netizen sa kanyang post sa Facebook. Sinabihan siya ng naturang Facebook user na pwede na daw siyang sumali sa blind date. Sagot naman ni Moira ay naging blind na daw siya sa pag-ibig dati at ayaw niya na raw. Marami ang naaliw sa kwelang mga sagot ni Moira sa mga komento ng netizens sa kanyang social media posts.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel