Moira dela Torre, pinagtanggol ng Vice President ng Cornerstone Entertainment

Moira dela Torre, pinagtanggol ng Vice President ng Cornerstone Entertainment

- Pinagtanggol si Moira dela Torre ng Vice President ng Cornerstone Entertainment

- Ito ay kasunod ng pag-viral ng post ng isang composer kung saan may mga sinabi ito laban kay Moira

- Para naman kay Jeff Vadillo, ang VP ng Cornerstone, hindi niya mahahayaang sirain ang integridad ni Moira na aniya ay dalawang dekada niya nang kilala

- Pinasinungalingan nito ang sinabi ng composer na karamihan sa kanta ni Moira ay si Jason Hernandez ang nag-compose

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagsalita na rin ang isang executive sa Cornerstone Entertainment kaugnay sa aniya'y paninira kay Moira dela Torre. Aniya, hindi niya mahahayaang sirain ang integridad ni Moira na aniya ay dalawang dekada niya nang kilala.

Moira dela Torre, pinagtanggol ng Vice President ng Cornerstone Entertainment
Moira dela Torre, pinagtanggol ng Vice President ng Cornerstone Entertainment (@moiradelatorre)
Source: Instagram

Pinasinungalingan nito ang sinabi ng composer na karamihan sa kanta ni Moira ay si Jason Hernandez ang nag-compose. Inalmahan din niya na tinawag si Moira na manggagamit.

Read also

Claudine Barretto, nagpahiwatig tungkol sa pinagdadaanan: "Lalaban na ako"

That statement is grossly inaccurate. Paubaya and Edsa were both composed by Jason (this is public knowledge. Actually Moira also helped In Paubaya), the other songs Ikaw at Ako, Pabilin, Patawad, Kumpas, Babalik Sayo, Patawad, Kumpas were composed by both by Moira and Jason (Moira even gave a bigger contribution to some of those songs). So as far as these songs are concerned, walang gamitan. Tawag diyan collaboration.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Read also

Loisa Andalio, sinorpresa ni Ronnie Alonte sa kanilang 7th anniversary

Pinatunayan ni Moira na siya nga ang Hugot Queen matapos nitong kantahin ang mga awiting ayon sa kanyang fans ay talaga namang mapanakit. Sa kanyang katatapos lang na concert ay usap-usapan ang mga makahulugang awitin ni Moira. Hindi maiwasang iugnay ng netizens ang mga mensahe ng kanta niya sa kanyang personal na karanasan. Kabilang nga sa kinanta niya ay ang mga kantang nagpapahiwatig ng pagloko sa kanya ng maraming beses.

Sinagot ni Moira ang komento ng isang netizen sa kanyang post sa Facebook. Sinabihan siya ng naturang Facebook user na pwede na daw siyang sumali sa blind date. Sagot naman ni Moira ay naging blind na daw siya sa pag-ibig dati at ayaw niya na raw. Marami ang naaliw sa kwelang mga sagot ni Moira sa mga komento ng netizens sa kanyang social media posts.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel