Vice Ganda, sinabing bagay si Barbie Forteza sa It's Showtime

Vice Ganda, sinabing bagay si Barbie Forteza sa It's Showtime

- Ayon kay Vice Ganda, bagay si Barbie Forteza sa It's Showtime

- Ito ay matapos mag-guest si Barbie sa It's Showime ngayong araw sa kanilang unang paglabas sa GTV

- Ani Vice, gusto niya ang vibe ni Barbie at sagot naman ni Barbie ay G na G siya

- Bukod kay Barbie, nag-guest din si Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Christian Bautista, Mark Bautista, Richard Yap, Pokwang, Rayver Cruz, at Rodjun Cruz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagustuhan ni Vice Ganda ang vibe ni Barbie Forteza sa kanyang pag-guest sa It's Showtime. Aniya, bagay ito sa Showtime.

Vice Ganda, sinabing bagay si Barbie Forteza sa It's Showtime
Vice Ganda, sinabing bagay si Barbie Forteza sa It's Showtime (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Kabilang si Barbie sa nag-guest ngayong araw sa It's Showtime. Bukod kay Barbie, nag-guest din si Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Christian Bautista, Mark Bautista, Richard Yap, Pokwang, Rayver Cruz, at Rodjun Cruz.

Read also

Video ng pagkanta ng mga GMA employees ng It's Showtime theme song, viral

Nagpasalamat naman si Barbie kay Vice at aniya ay G na G siya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Herlene Nicole Budol sa komentong dinog-show niya ang Q&A: "Dog lover po kasi ako"

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel