Video ng pagkanta ng mga GMA employees ng It's Showtime theme song, viral

Video ng pagkanta ng mga GMA employees ng It's Showtime theme song, viral

- Maging ang mga employees ng GMA-7 ay masayang tinanggap ang paglipat ng It's Showtime sa GTV

- Sa isang video na nilabas sa social media ay makikita ang ilang GMA employees na kumakanta ng theme song ng It's Showtime

- Ilang Kapuso stars din ang bumisita sa It's Showtime sa unang araw nito sa GTV

- Kabilang sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Christian Bautista, Mark Bautista, Richard Yap, Pokwang, Rayver Cruz, at Rodjun Cruz sa mga guests

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Viral ang video ng pagkanta ng mga GMA employees na kumakanta ng theme song ng It's Showtime. Marami ang natuwa na makita ang dalawang higanteng network na ngayon ay magkatuwang na.

Video ng pagkanta ng mga GMA employees ng It's Showtime theme song, viral
Video ng pagkanta ng mga GMA employees ng It's Showtime theme song, viral
Source: Instagram

Bukod sa mainit na pagtanggap sa It's Showtime, ilang Kapuso stars din ang bumisita sa It's Showtime sa unang araw nito sa GTV. Kabilang sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Christian Bautista, Mark Bautista, Richard Yap, Pokwang, Rayver Cruz, at Rodjun Cruz sa mga guests.

Read also

Ogie Alcasid, nag-rebook ng flight para makadalo ng contract signing ng It's Showtime sa GTV

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang It's Showtime ay isang noontime show ng ABS-CBN. Sinimulan itong ipalabas noong 24 Oktubre 2009. Sa kasalukuyan, napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel at iba pang platforms kagaya ng A2Z at YouTube. Ang programang ito ay ang pinaka-matagal variety show ng ABS-CBN.

Ibinahagi ni Vice Ganda ang kanyang saloobin tungkol sa nangyari sa It's Showtime sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel. Sa kanyang vlog ay kinuwento niya ang pangyayari nitong mga nakaraang araw nang malaman niya ang tungkol sa posibilidad na mawala na sila sa 12 noon timeslot ng TV5. Tahasan namang sinabi ni Vice Ganda na wala siyang sama ng loob sa TV5. Aminado siyang nalungkot siya sa naging desisyon ng TV5 pero aniya ay hindi pwedeng mawala ang pasasalamat niya at ng kanyang mga kasamahan sa TV5 sa itinulong nito sa kanila.

Read also

It's Showtime hosts, emosyonal sa contract signing ng ABS-CBN at GMA Network

Naibahagi din ni Vice Ganda na mismong siya ang nag-request sa ABS-CBN executive na si Cory Vidanes kung pwede daw ba siyang mag-guest sa isang show sa GMA-7. Hindi niya binanggit kung anong show ang tinutukoy niya pero aniya ay gusto talaga niya mag-guest doon kung mabibigyan ng pagkakataon. Aniya, marami din ang nagtatanong at nag-aabang kung makapag-guest daw ba kaya siya sa show na iyon. Ayon naman daw kay Tita Cory ay sasabihin niya sa mga boss at baka magawan ng paraan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel