Angeline Quinto, ibinahagi family bonding nila para kay Sylvio: "Hindi ito matutumbasan ng kahit ano"

Angeline Quinto, ibinahagi family bonding nila para kay Sylvio: "Hindi ito matutumbasan ng kahit ano"

- Ibinahagi ni Angeline Quinto ang family bonding nila para sa anak na si Sylvio

- Aniya, ito ang unang pagkakataon na madala ang anak sa play area

- Sa murang edad nito, makikita raw na talagang na-enjoy na ni Sylvio ang kanilang family bonding

- Patunay lamang ito na masaya si Angeline sa kanyang buhay pamilya ngayon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang ibinahagi ni Angeline Quinto ang naging bonding moment nila ng anak na si Sylvio.

Nalaman ng KAMI na kasama rin ni Angeline ang partner niyang si Nonrev para sa unang pagkakataon na maisama nila ang kanilang anak sa isang kilalang play area.

Angeline Quinto, ibinahagi family bonding nila para kay Sylvio: "Hindi ito matutumbasan ng kahit ano"
Angeline Quinto kasama ang partner na si Nonrev at kanilang anak na si Sylvio (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Emosyonal si Angeline sa caption ng mga larawang kasama niya ang pamilya dahil inalala rin niya ang pagkakataong ang kanyang Mama Bob ang siyang nagdadala sa kanya sa mga indoor park na tulad nang pinagdalhan niya kay Sylvio.

Read also

Nora Aunor, masayang nagdiwang ng 70th birthday lalo't kumpleto ang mga anak

"Madalas noon tuwing dinadala ako ni Mama sa ganitong indoor park, parang ayoko nang umuwi. At ngayon ang makita na sobrang nag enjoy ang anak ko dahil first time niyang ma experience ang kidzoona, hindi ito matutumbasan ng kahit ano. I love you very much, Sylvio"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang minsan nang nasabi ni Angeline sa isang panayam sa kanya kung gaano niya nae-enjoy ang buhay pamilya.

"Ang sarap kayang magkapamilya. Parang ako 'nung nawala ang mama , 'yun 'yung kulang sa'kin. Gusto ko talagang magkaroon ng sariling family ko"

Bagama't napapag-usapan na rin nila umano ang pagpapakasal, prayoridad muna talaga raw nila ni Nonrev ang kanilang anak na si Sylvio. Hindi rin daw kasi nila minamadali ang seryosong bagay na ito.

Si Angeline Quinto ay isang kilalang Filipina singer na tinagurian bilang 'Power Diva'. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Read also

Mariel Padilla sa tunay niyang pangalan: "Tini-tease nila ako 'Erlinda pengeng tubig'"

Sa ngayon, aktibo rin si Angeline sa kanyang YouTube channel na 'Love Angeline Quinto' Kung saan mayroon na siyang mahigit isang milyong subscribers. Doon kasi napanood ang kanyang pregnancy journey kay Baby Sylvio at ang jowa reveal niya kay Nonrev.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel