Angeline Quinto, napag-uusapan na umano ang pagpapakasal: "Pero ayaw kong magmadali"

Angeline Quinto, napag-uusapan na umano ang pagpapakasal: "Pero ayaw kong magmadali"

- Napag-uusapan na umano nina Angeline Quinto at partner na si Nonrev ang pagpapakasal

- Lalo na at 11 months na ang kanilang anak na si Baby Sylvio at labis ang saya ni Angeline sa pagkakaroon ng sariling pamilya

- Gayunpaman, aminado pa rin siyang hindi niya minamadali ang usaping ito

- Matatandaang inabot pa umano ng apat na buwan bago isapubliko ni Angeline na siya'y nagdadalang-tao sa kanilang unang baby na si Sylvio

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga natanong ni Toni Gonzaga sa panayam niya kay Angeline Quinto ay ang tungkol sa pagpapakasal.

Angeline Quinto, napag-uusapan na umano ang pagpapakasal: "Pero ayaw kong magmadali"
Angeline Quinto and Nonrev Daquina (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na bagama't napag-uusapan na umano nila ito ng partner na si Nonrev Daquina, hindi nila ito minamadali.

"Maraming nagtatanong te, 'kelan ang kasal niyo?' 'ikakasal ka na ba?'"

Read also

Gladys Reyes, hanga kay Barbie Forteza: "Talagang sinasaktan ko siya, totoong sampal"

"Everytime na napag-uusapan namin 'yan talagang priority namin si Sylvio. Kung anuman ang ibigay ng Diyos sa atin, kung kailan, sabi ko hintayin natin 'yun. Pero ayaw kong magmadali," ani Angeline.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Lalo na ngayon at labis-labis ang saya na kanyang nadarama sa pagkakaroon ng sariling pamilya.

"Ang sarap kayang magkapamilya. Parang ako 'nung nawala ang mama , 'yun 'yung kulang sa'kin. Gusto ko talagang magkaroon ng sariling family ko," saad tinaguriang 'Power Diva.'

Naikwento rin niya kay Toni na wala umano siyang balak na itago noon ang pagbubuntis kay Baby Sylvio. Nagkataon lang na marami siyang projects at commitments at talagang nakisama naman daw ang kanyang anak na lagi niyang kinakausap noong nasa sinapupunan pa lamang.

"Hindi ko naman siya gustong itago. Kumbaga, andami ko kasing ginagawang work 'non 'nung taon na 'yun 'nung 2021. Nag-concert ako, na kinakausap ko siya 'wag ka munang lalaki agad. Kasi 'yung mga gown na pinatahi ko siyempre lahat 'yun sukat sa akin e kung bigla siyang lumaki? Nakisama naman si Sylvio"

Read also

Angeline Quinto, naiyak nang muling maikwento ang kanyang Mama Bob

Narito ang kabuuan ng panayam ni Toni kay Angeline mula sa YouTube channel na Toni Gonzaga Studio:

Si Angeline Quinto ay isang kilalang Filipina singer na tinagurian bilang 'Power Diva'. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Sa ngayon, aktibo rin si Angeline sa kanyang YouTube channel na 'Love Angeline Quinto' Kung saan mayroon na siyang mahigit isang milyong subscribers. Doon kasi napanood ang kanyang pregnancy journey kay Baby Sylvio at ang jowa reveal niya kay Nonrev.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel