Angeline Quinto, naiyak nang muling maikwento ang kanyang Mama Bob

Angeline Quinto, naiyak nang muling maikwento ang kanyang Mama Bob

- Emosyonal na nagkwento ni Angeline Quinto tungkol sa kanyang namayapang ina, halos tatlong taon na ang nakalipas

- Isa kasi ito sa napag-usapan nila sa interview sa kanya ni toni Gonzaga

- Aminado si Angeline na labis siya umanong nanghihinayang na hindi na naabutan pa ng kanyang Mama Bob si Baby Sylvio

- Gayunpaman, naikwento naman ni Angeline na ang pangalan ng kanyang Baby Sylvio ay mula sa tunay na pangalan ni Mama Bob na Sylvia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilang maiyak ni Angeline Quinto nang mapag-usapan nila ni Toni Gonzaga ang kanyang pinakamamahal na ina na si Mama Bob.

Angeline Quinto, naiyak nang muling maikwento ang kanyang Mama Bob
Angeline Quinto (Toni Gonzaga Studio)
Source: Youtube

Matatandaang halos tatlong taon na ang nakalipas nang ito ay mamayapa subalit hanggang ngayon, nagiging emosyonal pa rin si Angeline tuwing mapag-uusapan ito.

Inalala kasi ni Angeline ang mga huling sandali ng ina lalo na at hindi niya ito halos iniiwan sa takot na wala na ito kapag kanyang madatnan.

Read also

Cristy sa mga post ni Priscilla Meirelles: "Hindi na siguro siya maligaya"

"Sobrang hirap. kahit sino naman sa atin weakness 'yung mawalan ng magulang. Pero 'yung nakikita ko si Mama Bob, nahihirapan, ate wala kang ibang kakapitan kundi ang itaas. Parang ang pakiramdam ko noon parang kandilang nauubos. Ayaw kong matulog kasi baka mamaya natutulog ka na, wala na 'yung mama mo. Ayaw kong magising kinabukasan na gigisingin ako ng doktor kasi baka mamaya may nangyari na sa nanay mo. Parang walang saysay na sa'kin 'yung buhay ko," naluluhang binalikan ni Angeline.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Nung nawala ang Mama parang ayaw kong gawin lahat. Ultimo pagkanta ko parang wala lang. 'San nanay ko? Sinong tatawagin kong nanay ngayon. Walang taong pumapalakpak 'pag nakita ka stage 'di ba?"

"Tuwing kakanta ako ngayon, feeling ko may isang upuan talaga akong nakikita, lagi siyang nandiyan. Na kahit wala si Mama Bob, alam ko... anak ko 'yan, 'yun yung pinakahinanap ko."

Read also

Janice de Belen at Vice Ganda, muling nagkaharap sa It's Showtime

Ramdam din umano ni Angeline na ang pagdating ni Baby Sylvio sa kanyang buhay ay hiling ng kanyang Mama Bob. Subalit aminado rin siyang isa ito sa kanyang pinanghihnayangan gayung hindi na inabot ni Mama Bob ang kanyang Baby Sylvio.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Toni Gonzaga kay Angeline Quinto:

Si Angeline Quinto ay isang kilalang Filipina singer na kinalaunan ay naging aktres din. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Sa ngayon, aktibo rin si Angeline sa kanyang YouTube channel na 'Love Angeline Quinto' Kung saan mayroon na siyang mahigit isang milyong subscribers. Doon kasi napanood ang kanyang pregnancy journey kay Baby Sylvio at ang jowa reveal niya kay Nonrev.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel