Janice De Belen at Vice Ganda, muling nagkaharap sa It's Showtime

Janice De Belen at Vice Ganda, muling nagkaharap sa It's Showtime

- Muling nagkaharap sina Vice Ganda at Janice De Belen sa It's Showtime matapos ang nag-viral na eksena sa Mini Ms U

- Puro papuri at magagandang paglalarawan ang sinabi ni Vice nang ipakilala niya si Janice bilang isa sa mga hurado

- Si Janice naman ay hindi bumibitiw sa kanyang pagsusungit-sungitan sa kabila ng ginawang pagbawi ni Vice sa kanya

-Matatandaang nag-viral ang pagkuha ni Vice Ganda ng chicharon kahit kukuha pa sana si Janice

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan sina Vice Ganda at Janice De Belen nang muli silang magkaharap sa segment na Mini Ms U sa It's Showtime. Todo-papuri si Vice Ganda kay Janice habang si Janice naman ay hindi bumibitaw sa kanyang pagtataray.

Janice de Belen at Vice Ganda, muling nagkaharap sa It's Showtime
Janice de Belen at Vice Ganda, muling nagkaharap sa It's Showtime(@super_janice)
Source: Instagram

Matatandaang kamakailan ay kinaaliwan ang reaksiyon ni Janice nang hindi napansin ni Vice Ganda na kukuha sana siya ng chicharon na nasa mangkok na bahagi ng props sa kanilang segment ng Mini Ms U.

Read also

Lovi Poe, pinasilip sa publiko ang kanyang wedding gown fitting

Nilinaw naman ni Vice sa kanyang Tweet na hindi niya nakita na kukuha pa raw si Janice. Kinaaliwan ang pagsakay ni Vice sa mga komento ng netizens na dapat na siyang kabahan dahil si Leona ang kanyang pinagkaitan ng chicharon.Si Leona ang karakter na ginagampanan ni Janice sa Dirty Linen.

Samantala, sa kabila ng mga papuri ni Vice nang ipakilala niya si Janice ay hindi bumibitiw sa kanyang pagsusungit-sungitan si Janice.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Catherine Janice Yap de Belen o mas kilala bilang Janice de Belen ay isang Pinay actress, commercial model at television host. Dati siyang ikinasal kay John Estrada. Sumikat siya nang husto nang bumida siya sa teleseryeng Flordeluna na namayagpag sa ere mula 1979 hanggang 9984.

Read also

Janice De Belen sa di-sadyang pag-iwas ni Vice Ganda ng chicharon sa kanya: "Humanda ka na"

Matatandaang sa kanyang pag-guest bilang judge sa segment ng It's Showtime na 'Reina ng Tahanan', naibahagi ni Janice ang pagbabawal ng kanyang ex sa kanya noon. Hindi naman na niya binaggit kung sino ang tinutuloy niyang ex pero inagbawalan umano siyang magpagupit ng buhok noon.

Diretsahan namang sinabi ni Janice na ayaw niyang makatrabahong muli ang dating asawang si John Estrada. Ito ay matapos siyang tanungin ng anak na si Kaila kung handa ba siyang makatrabaho ang kanyang naging ex. Aniya, ayos lang sa kanya na makatrabaho niya ang ex na si Aga Muhlach.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel