Cristy sa mga post ni Priscilla Meirelles: "Hindi na siguro siya maligaya"

Cristy sa mga post ni Priscilla Meirelles: "Hindi na siguro siya maligaya"

- Nagbigay pahayag si Cristy Fermin patungkol sa halos sunod-sunod na post ni Priscilla Meirelles

- Matatandaang gumawa ito ng ingay kamakailan sa social media at nagsimula umano ito sa isang cryptic post

- Kalaunan, inilandtad na ni Priscilla ang umano'y pinaghuhugutan niya ng post na tungkol sa mister na si John Estrada

- Dahil dito, nasabi ni Cristy na maaring hindi na umano maligaya si Priscilla kung sinasabing matagal na ang marital problems ng dalawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa Showbiz Now Na! ay ang tungkol sa kontrobersiyal na mga post ni Priscilla Meirelles kamakailan.

Cristy sa mga post ni Priscilla Meirelles: "Hindi na siguro siya maligaya"
John Estrada and Priscilla Meirelles
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay ang halos sunod-sunod na mga naibabahagi ni Priscilla sa kanyang social media na nagsimula 'di umano sa isang cryptic post. Hanggang sa kalauna'y ibinahagi niya ang isang convo ng pinaghihinalaan niyang ka-chat ng mister na si John Estrada.

Read also

Inah Estrada, nagpahayag ng suporta sa stepmom na si Priscilla Meirelles

Samantala, nabanggit naman nina Cristy na may mga nagsasabi umanong matagal nang nagkakaroon ng problema ang pagsasama nina Priscilla at John.

"Kung matagal na pala ito dahil may ginamit siyang salitang sakripisyo at pagtitiis, hindi na siguro siya maligaya. 'Yung masaya mababaw. 'yung maligaya, malalim 'yung nararamdaman na emosyon," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Umani ng iba't ibagn reaksyon ang naturang isyu lalo na ang mga nagsasabing hindi na dapat nagulat si Priscilla sa sinasabing ginagawa ni John

"Siya ang naglabas, siya ang naglantad kung ano ang estado ng kanilang relasyon ni John Estrada. Kaya ngayon, na hinuhusgahan sila na, ika nga natin ibang humusga ang bayan," giit ni Cristy.

Aniya, sa dami umano ng mga naibahagi ni Priscilla, nanatiling tahimik si John na kainitan ng isyu na ito.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Read also

Cristy, todo puri si Barbie Forteza: "Kasing kinis ng iyong kutis ang paghanga namin sa'yo"

Si Priscilla Meirelles de Almeida ay isang Brazilian model, host, actress, environmentalist at beauty queen. Siya ang kinoronahang Miss Earth 2004 na ginanap sa Pilipinas. Taong 2011, ikinasal siya sa aktor na si John Estrada at nabiyayaan sila ng isang anak.

Samantala, maging si Ogie Diaz ay nagbigay pahayag patungkol sa isyu na ito nina Priscilla at John. Bilang kakilala mismo at kumpare ra niya si John, nailarawan niya itong lapitin ng mga babae noon pa man. Aniya, malampasan sana ng dalawa ang pagsubok na ito sa kanilang relasyon. Tila natupad naman ito at kamakailan lang ay may larawan silang mag-asawa na si John mismo ang nag-post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel