Mariel Padilla sa tunay niyang pangalan: "Tini-tease nila ako 'Erlinda pengeng tubig'"

Mariel Padilla sa tunay niyang pangalan: "Tini-tease nila ako 'Erlinda pengeng tubig'"

- Naikwento ni Mariel Padilla ang minsang panunukso sa kanyang tunay na pangalan

- Nang maging host siya ng Wowowin, kung saan may segment na 'Pera o Bayong', madalas din niyang makasama ang kanyang mga katukayo

- Sa showbiz, nakilala siya bilang si Mariel Rodriguez at nang ikasal kay Robin, Mariel Padilla na talaga ang kanyang ginagamit.

- Sa ngayon, abala pa rin si Mariel sa kanyang pagiging hand-on mom sa mga anak, sa kanyang YouTube channel at live selling tuwing Sabado

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Makulit na naikwento ni Mariel Rodriguez-Padilla ang pang-aasar umano sa kanya noon dahil sa kanyang tunay na pangalan.

Mariel Padilla sa tunay niyang pangalan: "Tini-tease nila ako 'Erlinda pengeng tubig'"
Mariel Rodriguez Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Ito ay dahil sa sumailalim siya sa lie detector test nang maging panauhin siya ni Bea Alonzo sa vlog nito.

Nalaman ng KAMI na bilang trial question, natanong siya ni Bea kung "Maria Erlinda Lucille Sazon Termulo" ang tunay nitong pangalan na ang sagot naman ni Mariel ay 'yes.'

Read also

Mariel Rodriguez: "I think magiging madam na talaga ako"

Sinundan naman ito ng komento ni Bea na 'hindi ka mukhang Erlinda' kaya nakwento niya ang panunukso sa kanya noong siya'y bata pa dahil sa kanyang pangalan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"'Alam mo 'nung bata ako, tini-tease nila ako 'Erlinda pengeng tubig"
"Tapos sa pera o Bayong, 'pag ina-announce ko 'yung mga pangalan 'di ba matatanda 'yung mga naglalaro 'don? Ang daming Erlinda talaga"

Screen name lamang niya ang Mariel Rodriguez at nang ikasal kay Robin, Mariel Padilla na talaga ang kanyang ginamit na pangalan.

Narito ang kabuuan ng mga rebelasyon sa lie detector test kay Mariel mula sa YouTube channel ni Bea Alonzo:

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at actress. Siya ay isang American Citizen na ikinasal sa aktor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal, India.

Read also

Maricel Soriano, napuri at nais ma-interview sina Enchong Dee at Joshua Garcia

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Ngayon, masaya silang namumuhay kasama ang kanilang dalawang anak na babaeng sina Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Nag-viral din ang live-selling video ni Mariel na kinaaliwan ng marami. Lalo na nang malaman ng mga netizens na ito ay bilang pagsuporta ng aktres sa kandidatura ng kanyang mister na si Robin sa pagka-senador. Hindi naman siya nabigo gayung naging number one senator pa ang kanyang mister noong eleksyon 2022.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel