China Roces, isinapubliko ang pagbubuntis niya sa kanyang ika-apat na anak

China Roces, isinapubliko ang pagbubuntis niya sa kanyang ika-apat na anak

- Isinapubliko ni China Roces ang tungkol sa kanyang pagbubuntis sa unang anak nila ng asawa niyang si David Santos

- Naibahagi niya sa isang video na ito ang kanyang ikaapat na anak dahil mayroon siyang dalawang anak na babae at isang anak na lalaki sa naunang mga relasyon niya

- Ani China, hindi nila inasahan na magbubuntis agad siya dahil aniya ay nagbalak siyang magpapayat para sa kanyang trabaho

- Hindi man pinlano na magbuntis ngayong taon ay nagpapasalamat daw siya sa blessing na binigay sa kanilang mag-asawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay China Roces, halo-halo ang kanyang naramdaman tungkol sa kanyang pagbubuntis sa ikaapat na anak niya. Ito ang unang anak nila ng asawa niyang si David Santos.

China Roces, isinapubliko ang pagbubuntis niya sa kanyang ika-apat na anak
China Roces, isinapubliko ang pagbubuntis niya sa kanyang ika-apat na anak (@yourbabychina)
Source: Instagram

Sa isang live video ay naging emosyonal si China dahil sa naiisip niya ang magiging reaksiyon ng mga tao sa kanyang pagbubuntis. Aniya, umiwas muna siya na makipagkita sa iba niyang kaibigan dahil iwas siya sa panghuhusga.

Read also

Pokwang sa kanyang bashers: "Kapwa ko babae 'yung mga nanggaganyan sa akin"

Naibahagi niya sa isang video na ito ang kanyang ikaapat na anak dahil mayroon siyang dalawang anak na babae at isang anak na lalaki sa naunang mga relasyon niya.

Ang anak niyang lalaki na si Timothy ay anak niya sa dati niyang karelasyon na si Tim Sawyer.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi man pinlano na magbuntis kaagad ay nagpapasalamat daw siya sa blessing na binigay sa kanilang mag-asawa.

Si China Roces ay sumikat bilang FHM cover girl. Pinasok niya na rin ang paggawa ng vlog matapos ang kontrobersiyal na paghihiwalay nila ng vlogger na si Tim Sawyer. Kinalaunan ay naging talent na rin siya ng VIVA.

Matatandaang binahagi ni China na sumailalim siya sa liposuction sa Morato Medical Group noong Marso ng kasalukuyang taon. Sumailalim umano siya sa pagpapaopera upang mapalakas niya ang kumpiyansa niya sa sarili bilang isang social media influencer. Nais niyang maibalik ang dating katawan noong hindi pa siya nangangak sa baby nila ni Tim Sawyer. Aniya, papanatilihin niya ang pangangatawan niya sa pamamagitan ng tamang pagkain at palaging pagwo-workout.

Read also

Pokwang, emosyonal na ibinahagi ang dasal ni Malia: "You see, napaka-unselfish nung bata"

Tumabo naman sa mahigit isang milyon ang views ng isang video kung saan namataang magkausa sina Rob Moya at China. Makikita ang dalawang vlogger na nag-uusap, nagtatawanan at nagbubulungan pa. Marami naman sa mga netizens ang nakapansin na bagay umano ang dalawa at wala namang masama kung magkamabutihan sila. Ito ay sa kadahilanang parehas naman umanong single ang dalawa at may mga nagsasabing may chemistry sila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel