Philmar Alipayo, ibinida na nakumbinsi niya si Andi Eigenmann na gumising nang maaga
- Binahagi ni Philmar Alipayo na matapos ang apat na taon ay nakumbinsi niya si Andi Eigenmann na gumising nang maaga
- Aniya, sa wakas ay gumigising na ito ng alas singko nang umaga
- Nagpasalamat naman si Andi sa kanyang partner na si Philmar dahil aniya ay masarap sa pakiramdam na nagawa niya ito
- Pinasalamatan niya si Philmar sa pagkukumbinsi sa kanya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ibinida ni Philmar Alipayo ang kanyang partner na si Andi Eigenmann. Binahagi ni Philmar Alipayo na matapos ang apat na taon ay nakumbinsi niya si Andi Eigenmann na gumising nang maaga.
Aniya, sa wakas ay gumigising na ito ng alas singko nang umaga. Nagpasalamat naman si Andi sa kanyang partner na si Philmar dahil aniya ay masarap sa pakiramdam na nagawa niya ito.
My wife is finally waking up early in the morning now at 5am, after 4 yrs of convincing her.
Pinasalamatan niya si Philmar sa pagiging inspirasyon at pagkukumbinsi sa kanya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Finally did it! Feels so good! Salamat karajaw for the push and inspo mahal. She a new wife.
Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.
Marami ang natuwa sa bagong video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.
Pinakita ni Andi sa kaniyang bagong vlog episode ang kanilang karaniwang ginagawa kapag sila ay nasa Siargao. Sa unang bahagi ng video ay makikita si Ellie na kasama ang kapwa niya kabataan na may dala-dalang sako. Mas pinili umano nitong sumama sa mga kaibigan para mamulot ng basura at nagsabing susunod na lang sa kanyang ina sa isang surf resort. Marami naman ang natuwa na sa murang edad nito ay may malasakit ito sa kapaligiran.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh