Derek Ramsay, binahagi ang nakangangang picture ni Ellen Adarna na natutulog sa biyahe

Derek Ramsay, binahagi ang nakangangang picture ni Ellen Adarna na natutulog sa biyahe

- Napagkatuwaan ni Derek Ramsay ang asawa niyang si Ellen Adarna

- Sa kanyang Instagram post ay pinakita ni Derek ang picture ni Ellen na nakaupo sa likurang bahagi ng kanilang kotse

- Natawa naman si Ellen at agad bumwelta sa binahaging picture ni Derek na nakanganga pa habang siya ay tulog

- Ani Ellen siya ay nasa cloud nine sa loob ng pitong oras habang ang mga kasama daw niya ay nasa hell

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napagtripan ni Derek Ramsay ang asawa niyang si Ellen Adarna. Sa kanyang Instagram post ay pinakita niya ang picture ni Ellen na natutulog sa likod na bahagi ng sasakyan nila at nakanganga pa ito.

Derek Ramsay, binahagi ang nakangangang picture ni Ellen Adarna na natutulog sa biyahe
Derek Ramsay, binahagi ang nakangangang picture ni Ellen Adarna na natutulog sa biyahe (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Natawa naman si Ellen at agad bumwelta sa binahaging picture ni Derek. Ani Ellen siya ay nasa cloud nine sa loob ng pitong oras habang ang mga kasama daw niya ay nasa hell.

Read also

Rhian Ramos, ibinida ang GMA Gala look kasama ang dating glam team ni Heart Evangelista

I was in cloud 9 for 7 hours while you guys were in hell lol

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.

Read also

Andrea Brillantes, wala daw oras para sa mga bashers niya

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel