Bea, ibinuking si Dominic sa proposal video: "Everytime he watches it, naiiyak siya"

Bea, ibinuking si Dominic sa proposal video: "Everytime he watches it, naiiyak siya"

- Nabanggit ni Bea Alonzo ang pagiging emosyonal ni Dominic Roque tuwing mapapanood ang proposal video nito sa kanya

- Maging si Dominic mismo ay umamin na talagang naiiyak tuwing makikita ang mga pangyayari kung paano niya inaya ng kasal si Bea

- Ayon kay Bea, parang pelikula pa rin naman umano ang kanyang love story subalit ngayon, happy ending na talaga ito

- Makalipas ang nasa dalawang taon pagiging magkasintahan, sa kasalan din umano mauuwi ang relasyon nina Bea at Dominic

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinuking ni Bea Alonzo na lagi umanong naiiyak si Dominic Roque tuwing mapapanood nito ang proposal video sa kanya.

Bea, ibinuking si Dominic sa proposal video: "Every time he watches it, naiiyak siya"
Dominic Roque and Bea Alonzo (Dominic Roque)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanila ni Jessica Soho, pinanood muli kasi nila ang naturang video at mapapansing maluluha na nga si Dominic.

Read also

Baby Bia, super close na sa BF ng kanyang Mommy Zeinab: "Hi, Daddy Ray!"

"Mukhang maiyak na naman po ako," nasabi ni Dominic na sinegundahan naman ni Bea ng "Every time he watches it naiiyak siya."

Naikwento rin ni Dominic kung paano niya naiplano ang proposal kay Bea. Naisip niyang iugnay umano ito sa GMA gala night kaya naman inakala ni Bea na photoshoot ito para sa nasabing pagtitipon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kaya naman nang dumalo na sila sa GMA gala, suot na noon ni Bea ang engagement ring niya kay Dominic.

Samantala, narito ang kabuuan ng video mula sa GMA Public Affairs YouTube channel:

Si Bea Alonzo ay isang Filipina actress na nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Read also

Janice De Belen, aminadong ninerbiyos sa eksena nila ni Vice Ganda

Naging usap-usapan ang panayam noon ni Mariel Rodriguez kay Bea dahil sa mga naging rebelasyon ng aktres. Isa na rito ay ang naging karelasyon umano niya na halos araw-araw ay binabantayan ang kanyang timbang.

July 18 ng kasalukuyang taon naganap ang surprise proposal ni Dominic kay Bea. Marami ang natuwa sa kanilang nakakakilig na engagement lalo na at marami talaga ang nagnanais na matuloy sa kasalan ang kanilang love story.

Samantala, ilang mga post nina Bea at fiancé nitong si Dominic Roque ang nagpapatunay kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Isa na rito ang post ni Bea kung saan hindi napigilang magkomento ni Dominic ng 'ganda naman nito' na nagpakilig hindi lang sa kanilang fans kundi maging sa ibang mga nakakita ng post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel