Chad Kinis, iginiit na hindi pinagsabay ni Ray Parks sina Zeinab at dating kachat ni Ray

Chad Kinis, iginiit na hindi pinagsabay ni Ray Parks sina Zeinab at dating kachat ni Ray

- Binahagi ni Chad Kinis ang aniya'y nangyari sa isyung Ray Parks, Zeinab harake at dating naka-chat ni Ray

- Aniya, wala talagang naganap na lokohan at hindi pinagsabay ni Ray ang dalawa

- Ito ay dahil hindi naman talaga naging magkarelasyon sina Ray at yung babaeng dati nitong naka-chat

- Naputol ang kanilang pag-uusap at saka lang daw nakilala ni Ray si Zeinab dahil pinakilala ito ng kapatid ni RR Enriquez na si Melissa Enriquez

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Chad Kinis, wala talagang naganap na lokohan sa pagitan nina Ray Parks sina Zeinab at dating kachat ni Ray. Hindi din daw pinagsabay ni Ray ang dalawang babae.

Chad Kinis, iginiit na hindi pinagsabay ni Ray Parks sina Zeinab at dating kachat ni Ray
Chad Kinis, iginiit na hindi pinagsabay ni Ray Parks sina Zeinab at dating kachat ni Ray (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Bilang isa sa malapit na kaibigan ni Zeinab, rekta daw sa sources si Chad. Aniya, naka-chat lamang ni Ray ang babae mula January hanggang February.

Read also

Magulang ni Xander Arizala, humingi ng tulong kay Merck para daw iparehab si Xander

Gayunpaman, hindi na ito natuloy dahil nagkalabuan na sila. Nagkakilala daw sina Ray at Zeinab noong March matapos ipakilala ni Melissa Enriquez ang dalawa.

Bago sila nagkakilala ay parehas daw silang single. Hindi na rin daw nag-uusap sina Ray at yung babae noong naging magkaibigan sina Zeinab at Ray.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Payo ni Chad sa babaeng ito na nag-post kamakailan tungkol kina Zeinab at Ray, sana daw ay tanggapin niya na hindi lahat ng taong gusto natin ay pipiliin tayo. Sana daw ay intindihin nito na kung ano ang nangyari sa kanya ay hindi ibig sabihin ay mangyayari din iyon kay Zeinab.

Sana makatagpo ka ng taong magkakaroon kayo ng label.

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Read also

Zeinab Harake at Bobby Ray Parks, nangulit sa live ng kapatid ni Zeinab

Matatandaang matapos lumabas ang video ni Wilbert Tolentino ay dumipensa si Zeinab sa mga nilabas na screenshot ni Wilbert laban sa kanya. Ani Zeinab, cropped ang mga nilabas na conversation ni Wilbert kaya hindi umano nailabas ang kabuuan ng kanyang sinabi. Inisa-isa niyang nilinaw ang mga nilabas na screenshot ni Wilbert na umano ay mga nasabi niya laban sa mga sikat na vloggers. Hiling naman ni Zeinab na tigilan na lang ang gulo at huwag na siyang ididikit sa grupo nina Wilbert para matapos na ang gulo.

Nilinaw naman ni Zeinab na bago siya nag-live sa Facebook ay tinawagan niya ang mga taong nadawit sa video na nilabas ni Wilbert. Kinausap at nilinaw niya umano sa mga taong nasangkot ang tungkol sa mga lumabas na screenshot na ayon sa kanya ay kulang na dahil cropped umano ang mga ito. Kabilang sina Ivana Alawi at Alex Gonzaga sa kanyang mga tinawagan kaugnay dito at nagkaintindihan umano sila. Maging sa kanyang video ay humingi si Zeinab ng dispensa sa mga taong nadamay pa umano.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel