Andi Eigenmann, pinasilip ang kanilang masayang cold spring experience

Andi Eigenmann, pinasilip ang kanilang masayang cold spring experience

- Pinakita ni Andi Eigenmann ang kanilang masayang outing kasama ang kanyang mga anak at ilan pang mga kasamahan nila sa surf club nila

- Makikita sa video na naglalakad ang mag-iina at nakayapak lang ang kanyang mga anak

- Masayang nakipagkulitan si Andi at mga anak niya sa mga kasamahan nila nang lumangoy sila sa batis

- Maging si Andi ay nakipagsabayan sa mga bata kahit takot siya na kumapit sa baging bago tumalon sa tubig

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasilip ni Andi Eigenmann ang masayang cold spring experience nila kasama ang kanyang mga anak at kanilang mga kaibigan. Pinakita ni Andi sa video ang kanilang pakikipagsabayan sa mga kasamahan nila.

Andi Eigenmann, pinasilip ang kanilang masayang cold spring experience
Andi Eigenmann, pinasilip ang kanilang masayang cold spring experience (@andieigengirl)
Source: Instagram

Makikita sa video na nakapaa lang ang mga anak niya habang naglalakad. Nakikipagbiruan din si Andi sa kanilang mga kasamahan sa surf club.

Read also

Rica Peralejo, inakusahang namumuhay nang marangya: "Ni hindi nga ko bumibili ng designer bags"

Marami ang natuwa na makitang maging si Ellie ay nakikipagsabayan din sa mga batang taga Siargao.

Narito ang ilang komento:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Para silang batang 90s they played outside most of the time, less gadgets .. truly enjoying theid chilhood.
Nakaka proud na family walang ka arte arte sa katawan at maganda pagpapalaki sa mga anak.si andie at elie kahit galing sa mayaman na pamilya simple oanrin sila at mababait.
Ellie and 2 kids are so lucky to have the best childhood experience.. Nature's and Kids are always the best and happiest!

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Marami ang natuwa sa bagong video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.

Read also

KC Concepcion, ibinahagi ang last memory niya na makitang magkasama ang mga magulang

Pinakita ni Andi sa kaniyang bagong vlog episode ang kanilang karaniwang ginagawa kapag sila ay nasa Siargao. Sa unang bahagi ng video ay makikita si Ellie na kasama ang kapwa niya kabataan na may dala-dalang sako. Mas pinili umano nitong sumama sa mga kaibigan para mamulot ng basura at nagsabing susunod na lang sa kanyang ina sa isang surf resort. Marami naman ang natuwa na sa murang edad nito ay may malasakit ito sa kapaligiran.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate