Marian Rivera, pinakamagandang babae sa showbiz para kay Dingdong Dantes

Marian Rivera, pinakamagandang babae sa showbiz para kay Dingdong Dantes

- Naitanong kay DingDong Dantes ni Boy Abunda kung sino daw ang babaeng nasa showbiz na mas maganda kay Marian Rivera

- Napaisip si Dingdong sa tanong na ito at nang una ay sinagot niyang ang anak nilang si Zia

- Gayunpaman, muling hinirit ni Boy na maliban sa kanilang anak at kanilang kamag-anak ang dapat maisagot ni Dingdong

- Hindi na pinilit ni Boy si Dingdong nang sabihin nitong wala talagang ibang babaeng mas gaganda sa kanyang asawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para kay Dingdong Dantes, walang ibang babaeng artista na mas gaganda pa sa kanyang asawang si Marian Rivera. Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, kabilang sa naitanong sa kanya ay kung sino daw ang babaeng nasa showbiz na mas maganda kay Marian.

Read also

Kris Aquino, pinagdasal na buhay pa siya hanggang tumuntong si Bimby ng 18

Marian Rivera, pinakamagandang babae sa showbiz para kay Dingdong Dantes
Marian Rivera, pinakamagandang babae sa showbiz para kay Dingdong Dantes (@marianrivera)
Source: Instagram

Napaisip si Dingdong sa tanong na ito at nang una ay sinagot niyang ang anak nilang si Zia. Gayunpaman, muling sinabi ni Boy na bukod sa kanilang kamag-anak ay sino ang babaeng mas maganda kay Marian. Hindi na pinilit ni Boy si Dingdong nang sabihin nitong wala talagang ibang babaeng mas gaganda sa kanyang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Marian Rivera ay ang isa sa mga pinaka sikat na artista sa Kapuso network. Naging bida siya sa Kapuso shows na “Darna” at “Marimar." Kinasal siya sa aktor na si Dingdong Dantes noong December 30, 2014. Ipinanganak ang panganay na anak na si Zia noong November 23, 2015 at April 16, 2019 niya pinanganak ang pangalawang anak na si Ziggy.

Kamakailan ay nag-post si Buboy Villar ng picture nila ni Marian nang magkasama sila sa isang event ng skin care company. Marami sa mga netizens ang nagkomento na naalala nila ang kanilang pagsasama noon sa seryeng Darna. Matatandaang naibahagi ni Buboy na mula sa pagiging mag-ate ay magkumare na umano sila ni Marian. Matatandaang una silang nagkasama sa teleseryeng “Dyesebel" na aniya ay naging simula ng kanyang career bilang si Buboy.

Naiyak naman si Zeinab Harake nang makita at makasama ang idolo niyang si Marian. Mismong si Marian pa ang nagpalapit sa kanya kay Zeinab na maluha-luha namang lumapit sa kanya. Ani Zeinab, si Marian talaga ang idolo niya at maging ang ilang gawi nito ay talagang ginagaya niya. Bago pa man ilabas ni Zeinab ang kanilang video, una nang nag-viral ang larawan ni Zeinab kasama sina Marian at mister nitong si Dingdong Dantes.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel