Toni Gonzaga, nagbahagi ng video ng kanyang sarili habang nag sa-shopping

Toni Gonzaga, nagbahagi ng video ng kanyang sarili habang nag sa-shopping

- Nagbahagi si Toni Gonzaga ng video sa kanyang Instagram stories kung saan makikita siyang nagsa-shopping sa isang furniture store

- Aniya, nakaka-relax umano ang mag-shopping lalo na sa lugar na para sa kanya ay maituturing niyang kanyang happy place

- Ito ang unang video ni Toni na binahagi niya sa social media na hindi nakakubli ang kanyang tiyan matapos mapabalitang buntis siya

- Wala man itong pormal na pahayag para ikumpirma ang napapabalitang pagbubuntis, makikita sa naturang video ang baby bump na tila kumpirmasyon sa naturang balita

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa video ni Toni Gonzaga na kanyang binahagi sa kanyang Instagram stories, ibinahagi niya ang kanyang pagrerelax sa pamamagitan ng pagsa-shopping sa aniya'y kanyang happy place. Ito ang unang video ni Toni na binahagi sa social media na hindi nakakubli ang kanyang tiyan matapos maibalita ang tungkol sa umano'y pagbubuntis.

Read also

Vince Flores, aprub sa biological mother ni Toni Fowler

Toni Gonzaga, nagbahagi ng video ng kanyang sarili habang nag sa-shopping
Toni Gonzaga, nagbahagi ng video ng kanyang sarili habang nag sa-shopping (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Habang naglalakad ay makikita sa naturang video ang baby bump ni Toni at kahit walang pormal na pahayag ay tila kinukumpirma nito sa publiko ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Matatandaang una nang lumabas ang bali-balita tungkol sa kanyang pagbubuntis sa pangalawang anak nila ni Paul Soriano.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Toni Gonzaga ay nakilala sa kanyang husay sa pagiging isang TV host at mang-aawit. Kapatid siya ng YouTube star na si Alex Gonzaga at ikinasal siya sa direktor na si Paul Soriano. Matapos ang pagsara ng ABS-CBN, marami sa mga artista ang napilitang gumawa ng YouTube content para kahit papaano ay may pagkakakitaan na rin.

Matatandaang naging trending ang speech ni Toni matapos siyang pormal na ipakilala ng Shopee bilang kanilang pinakabagong endorser. Ibinahagi sa publiko ang tungkol sa pagiging bahagi niya ng Shopee family. Sa kanyang speech ay pinasalamatan ni Toni ang mga netizens dahil sila umano ang dahilan kung bakit nagtrend ang Shopee at maging si Toni. Aniya, ang maging bahagi ng Shopee ay isa sa pinakamalaking blessing na dumating sa kanya ngayong taon.

Samantala, inihayag ni Mommy Pinty Gonzaga kamakailan ang suporta niya para kay Toni Gonzaga sa bago nitong endorsement. Ito ay ang pagiging bagong endorser niya ng e-commerce platform na Shopee. Isang mensahe ang binahagi ni Mommy Pinty para kay Toni kalakip ang picture ng panganay niyang anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel