Jo Berry, inalala ang pagpanaw ng ama, lolo at kapatid dahil sa COVID-19
- Nabanggit ni Jo Berry ang pagpanaw ng kanyang ama, lolo at kapatid dahil umano sa COVID-19
- Iyon ang pinakamasakit na 'no' para sa kanya na naitanong ni Boy Abunda
- Sa kabila ng matinding trahedya na ito, iyon pa rin umano ang pinaghuhugutan niya ng lakas upang ipagpatuloy ang pag-abot ng pangarap
- Katunayan, naghahanda si Jo ngayon sa dream role niya na maging isang abogado
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Muling inalala ni Jo Berry ang pagpanaw ng kanyang ama, lolo at kapatid dahil sa COVID-19 na kumitil din sa buhay ng milyon-milyong tao sa buong mundo.
Nalaman ng KAMI na ito umano ang kanyang sagot sa tanong ni Boy Abunda kung ano ang pinakamasakit na 'no' para sa kanya.
“Ang pinakamasakit pa lang na 'no' is noong sinabi ng doktor na hindi na talaga magsu-survive 'yung three sa family members ko. 'Yun po siguro ang pinakamasakit na 'no,'" pagbabalik-tanaw ni Jo.
Matatandaang tatlo agad sa kanilang pamilya ang pumanaw dahil sa COVID-19 at isa na rito ang kanyang ama na tila nakapagbilin pa sa kanya noong nasa ICU pa ito.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Naalala ko 'yung last na sinabi sa akin ng papa ko. Nag-video call kami, nasa ICU siya nagpapaalam din po kasi ako kasi may show ako noon, magla-lock in na ako ng taping, so nagpaalam ako. Ang sabi po ng papa ko sa akin is, 'Anak ituloy mo lang 'yung laro mo. Kasi alam niya na happy ako with what I do. Kaya hanggang ngayon 'yun ang inaalala ko kapag nada-down na ako nang sobra, kapag nami-miss ko na silang tatlo," ani Jo.
Sa kabila ng masakit na pangyayaring ito sa kanilang pamilya, iyon din ang pinaghuhugutan niya ng lakas upang ipagpatuloy ang mga pangarap nila ng kanyang ama.
Katunayan, panibagong proyekto na naman ang pinaghahandaan ni Jo. Excited na umano siya para rito dahil dream role niya ito, ang maging isang abogado.
Narito ang kabuuan ng nagign pahayag ni Jo Berry sa Fast Talk with Boy Abunda:
Si Jo Berry ay isa sa mga aktres ng GMA Network. Una siyang nakilala at hinangaan sa pagganap niya bilang si Onanay noong 2018. Kahit na unang proyekto pa lamang niya ito, hindi siya nagpahuli sa mga naglalakihan at respetadong artista na sina Nora Aunor at Cherie Gil. Muli siyang nagbida sa teleseryeng "Little Princess" noong 2022.
Noong 2021, tinamaan ng COVID-19 si Jo, ang kanyang ina at kuya JR na tumatayong manager niya.
Sa kasamaang palad ay nahawa rin ang iba nilang miyembro ng pamilya kabilang na ang ama ni Jo.Sa simula'y nakakausap pa niya sa video call ang kanyang ama. Subalit kalauna'y tuluyan na itong sumakabilang buhay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh