Ogie D, may mensahe kay Kiray Celis: "Wala silang Php 1M ikaw meron"
- Nagbigay mensahe si Ogie Diaz kay Kiray Celis na nagbigay ng Php 1 million sa kanyang ina
- Regalo niya ito para sa kaarawan ng pinakamamahal niyang nanay na noon pa ma'y madalas na niyang masurpresa
- Gayunpaman, pinagdudahan ito ng ilang netizens na 'for the content' lang umano ang isang milyong regalo ni Kiray sa ina
- Ayon pa kay Ogie D, kahanga-hanga umano ang pagmamahal at pagpapahalaga ni Kiray sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga magulang
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagbigay komento si Ogie Diaz sa Php 1 million cash na regalo ni Kiray Celis sa kanyang ina.
Nalaman ng KAMI na mabilis na naging usap-usapan ang naturang vlog ni Kiray kung saan muli niyang sinurpresa ang ina para sa kaarawan nito.
Sa Ogie Diaz Showbiz Updates, nabanggit ni Ogie na may ilang netizens umano ang tila nagduda sa pregalong ito ni Kiray.
"'Yung sinasabi nga ng iba, 'yung pagreregalo ni Kiray ng Php1 million sa kaarawan ng kanyang nanay ay for the content only"
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa halip na hangaan at maging inspirasyon ang ginawa na ito ni Kiray ay tila marami pa rin umano ang tila nagduda rito.
Gayunpaman, nagbigay mensahe si Ogie kay Kiray na hindi dapat paapaekto sa mga nasasabi ng ulang bashers.
"Hayaan mo sila Kiray kung anong gusto nilang isipin. Ang importante, wala silang 1M ikaw meron," ani Ogie D.
Hindi ito ang unang beses na sinurpresa ni Kiray ang kanyang ina sa espesyal na araw nito.
Katunayan, umaani ng papuri si Kiray dahil sa ipinapamalas nitong pagmamahal at pag-aalaga sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga magulang.
Si Kiray Celis ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang manalo siya sa Muntíng Miss U ng dating noontime show sa Kapamilya Network ang MTB o 'Magandang Tanghali Bayan'. Naging bahagi siya ng "Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".
Matatandaang nag-viral din ang kanyang vlog kung saan na-prank muna niya ang kanyang ama sa birthday nito bago niya ibigay ang surpresang money cake na may lamang ₱62,000 dahil 62-anyos na ang pinakamamahal niyang ama. Sinorpresa niya rin ang kanyang kapatid sa kaarawan nito ng bagong PS5.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh