Maja Salvador, nagpaalam sa Eat Bulaga dahil sa nalalapit na kasal
- Nagpaalam na si Maja Salvador sa 'Eat Bulaga' pansamantala dahil sa nalalapit na kasal at dahil na rin daw sa 'uncertainties' sa naturang noontime show
- Sa nilabas na pahayag ng Crown Artist Management Inc., napagpasyahan umano nilang tumigil muna si Maja na maging bahagi nito matapos maging dabarkad sa isa't kalahating taon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Naipaabot na rin daw sa management ang desisyong ito ng kampo ni Maja at humihingi sila ng pang-unawa lalo na mula sa tagasubaybay niya sa Eat Bulaga
- Matatandaang Octubre 2021 nang unang naging bahagi si Maja ng naturang noontime show
Titigil na si Maja Salvador sa pagiging bahagi ng Eat Bulaga. Sa inilabas na pahayag ng Crown Artist Management Inc., napagpasyahan umano nilang tumigil muna si Maja dahil sa nalalapit na kasal nito at dahil na rin daw sa 'uncertainties' sa naturang noontime show.
Matapos niyang maging isa sa mga Dabarkads sa loob ng isa't kalahating taon, na itinuturing daw ng aktres bilang dream come true para kay Maja ay magpapaalam na muna ito sa show. Naipaabot na rin daw sa management ang desisyong ito ng kampo ni Maja at humihingi sila ng pang-unawa lalo na mula sa tagasubaybay niya sa Eat Bulaga.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Maja Salvador ay isang aktres, performer, recording artist at product endorser. Sumikat siya dahil sa kanyang husay sa pag-arte at pagsayaw. Sa katunayan binansagan siyang Queen of the dance floor.
Noong Oktubre nang nakaraang taon, extended ang birthday celebration ni Maja sa Eat Bulaga. Sinurpresa siya ng kanyang mga Eat Bulaga Dabarkads gayundin ng kanyang best friend na si Pooh at kapatid na si Jessie na naki-hataw sa kanya sa stage. Hindi rin inaasahan ni Maja ang birthday message sa kanya ng kanyang Mommy Thelma. Inalala kasi nito ang dating pangarap lamang nila na makatuntong sa entablado ng Eat Bulaga at mapanood sa telebisyon.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Miles Ocampo ang kanyang picture kung saan nagpahiwatig siya ng panibagong simula. Kapansin-pansin din ang mga letrang CAM na naka-capitalize na nangangahulugang Crown Artist Management. Maging ang aktres na si Maja na kilalang may-ari ng naturang agency ay nagkomento sa Instagram post ni Miles. Matatandaang nauna na si John Lloyd Cruz na lumipat sa pangangalaga ng Crown Artist Management.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh