Mar Roxas at mga anak, kinaaliwan sa kanilang kwentuhan

Mar Roxas at mga anak, kinaaliwan sa kanilang kwentuhan

- Ibinida ni Korina Sanchez ang video ng kanyang kambal na anak na sina Pepe at Pilar kasama ang kanilang amang si Mar Roxas

- Makikita sa video ang kwentuhan ng mag-aama tungkol sa "Star Wars" gamit ang Wikang Ilonggo

- Bukod sa kakyutan ng dalawa ay marami ang namangha sa pagkukuwneto nila at pagiging matatas sa Ilonggo

-Ang mga magulang ni Mar Roxas ay parehas na Ilonggo na nagmula sa Negros Occidental at sa Roxas, Capiz

Kinaaliwan ang anak nina Korina Sanchez at Mar Roxas na sina Pepe at Pilar sa video na binahagi ni Korina. Nakikipagkwentuhan ang kambal sa kanilang ama tungkol sa Star Wars at marami ang nakapansin sa pagiging matatas nilang mag-Ilonggo.

Mar Roxas at mga anak, kinaaliwan sa kanilang kwentuhan
Mar Roxas at mga anak, kinaaliwan sa kanilang kwentuhan(@korina)
Source: Facebook

Bukod sa kakyutan ng dalawa ay marami ang namangha sa pagkukuwneto nila at pagiging matatas sa Ilonggo. Narito ang ilang komento:

Read also

Papi Galang: "May contract kami dito sa ToRo Family. Makikita't makikita niyo ako dito"

So cute so fluent ng ilonggo mga mestizo and mestiza pa
Awww how sweetest of Pepe n Pilar speaking/ telling stories in Ilonggo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Great story teller si Pepe, very good, very much into the story, while pretty Pilar is pensive

Si Korina Sanchez ay isang award-winning Filipina broadcast journalist, newspaper columnist, radio anchor, senior field correspondent, TV news anchor, at magazine show host. Kinaaliwan ng mga netizens ang mga ibinabahagi ni Korina Sanchez na mga litrato at video ng kanyang kambal na anak na sina Pepe at Pilar. Kamakailan lang ay nagdiwang ang mga ito ng kanilang ikalawang taong kaarawan.

Ibinahagi ni Korina ang kanyang pasasalamat sa Panginoon na hindi siya tinatamaan ng COVID sa kabila ng pagtaas ng kaso ng nagkakaroon nito. Patanong naman ang kanyang pahayag na pinagpala siya dahil sa dami ng kanyang tinutulungan. Dahil dito ay umani ng mga reaksiyon ang kanyang caption na kinalaunan ay pinalitan niya rin dahil aniya sa kanyang "miscalculated words" sa kanyang caption. Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay maraming kilalang mga personalidad ang tinamaan ng COVID kabilang na ang mga kagaya niyang journalists.

Read also

Angel Locsin, kabilang sa mga nakiramay sa pagpanaw ni Deo Endrinal

Marami ang naaliw sa video na ibinahagi ni Korina Sanchez sa kanyang Instagram account. Ibinida niya ang kanyang kambal na sina Pepe at Pilar na nakikipag-usap sa kanya gamit ang salitang Ilonggo. Maging si Korina ay nagtanong pa sa kasama nila sa bahay kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ng kanyang mga anak. Ang mga magulang ni Mar Roxas ay parehas na Ilonggo na nagmula sa Negros Occidental at sa Roxas, Capiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel