Angel Locsin, kabilang sa mga nakiramay sa pagpanaw ni Deo Endrinal

Angel Locsin, kabilang sa mga nakiramay sa pagpanaw ni Deo Endrinal

- Kabilang sina Angel Locsin at ang mister niyang si Neil Arce sa mga nagpahayag ng kanilang pakikiramay sa pagpanaw ni Deo Endrinal

- Sa binahaging video ni Eric John Salut sa Instagram, pinakita niya ang mga funeral flowers na naroroon sa lamay

- Makikita ang funeral flower na pinadala ng mag-asawa kahit hindi personal na namataan si Angel

- Matatandaang matagal nang hindi napapanood si Angel sa telebisyon at maging sa social media ay nagpahinga din ang aktres

Nagpahayag ng pakikiramay si Angel Locsin maging ang mister niyang si Neil Arce sa pumanaw na sa pagpanaw ni Deo Endrinal. Sa binahaging video ni Eric John Salut sa Instagram ay makikita ang funeral flower na pinadala ng mag-asawa.

Angel Locsin, kabilang sa mga nakiramay sa pagpanaw ni Deo Endrinal
Angel Locsin, kabilang sa mga nakiramay sa pagpanaw ni Deo Endrinal
Source: Instagram

Hindi man personal na namataang naroon si Angel ay nakidalamhati siya kagaya ng mga artistang naroroon. Matatandaang sa ilalim ng Dreamscape ang seryeng The General's Daughter na siyang huling seryeng ginawa ng aktres.

Read also

Kim Chiu at Gerald Anderson, trending matapos ang EXpecially For You episode ngayong araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.” Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang sa kanyang post kung saan ibinahagi niyang litrato nila ni Kris Aquino, isang netizen ang nagkomento sa post ni Angel. Inalmahan ni Angel ang komento nito na "Mabuhay ang NPA" at sinita ng aktres ang kanyang pang-re-redtag. Maging si Neil Arce ay umalma din at pabirong sinabi na siguro umano ay naniniwala din ito sa Tallano gold. Matatandaang dati nang naging biktima ng red-tagging ang kapatid ni Angel na kanyang inalmahan hanggang sa magkausap sila ng military official na si Parlade.

Sa kanyang pinakahuling vlog, kasama nina Angel at Neil ang ina ni Neil sa kanilang bakasyon sa Spain. Binahagi ng mag-asawa ang kanilang masayang pamamasyal sa Madrid. Nakipagkulitan din ang biyenan ni Angel sa kanila na siya pang kumukuha ng video at pictures sa mag-asawa. Marami naman ang natuwa sa pagiging malapit ng mag-asawa sa ina ni Neil dahil kasama pa nila ito sa kanilang bakasyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel