Kim Chiu at Gerald Anderson, trending matapos ang EXpecially For You episode ngayong araw

Kim Chiu at Gerald Anderson, trending matapos ang EXpecially For You episode ngayong araw

- Usap-usapan sina Kim Chiu at Gerald Anderson sa social media kasunod ng EXpecially For You episode ngayong araw

- Sa episode ay nabiro na si Kim ang sasalang sa naturang segment

- Tila marami ang gustong makitang sumalang si Kim at ang ex nitong si Gerald dahil agad silang napabilang sa trending topic sa X

- Hirit pa ng fans, dapat kabilang si Paulo Avelino sa mga searchee na siyang pagpipilian ni Kim

Trending sina Kim Chiu at Gerald Anderson sa X matapos ang EXpecially For You episode ngayong araw. Ito ay matapos magkabiruan na si Kim ang sasalang sa segment na EXpecially For You.

Kim Chiu at Gerald Anderson, trending matapos ang EXpecially For You episode ngayong araw
Kim Chiu at Gerald Anderson, trending matapos ang EXpecially For You episode ngayong araw
Source: Instagram

Trending din ang Kimerald na siyang tawag sa tambalan nila na sumikat noon. Tila marami sa mga fans nila ang gusto silang mapanood na magkasama.

Hirit pa ng fans, hindi pwedeng mawala sa mga pagpipilian ang kasalukuyang ka-partner ngayon ni Kim para sa Linlang at sa bagong Korean adaptation ng What’s Wrong with Secretary Kim.

Read also

Papi Galang: "May contract kami dito sa ToRo Family. Makikita't makikita niyo ako dito"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006, kung saan siya ang nagwaging big winner. Matapos manalo sa PBB, naging bahagi siya ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at nagsimula nang magkaruon ng mga proyektong telebisyon at pelikula.

Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel