Ogie D, binati si Sarah G dahil sold out na tickets sa anniversary concert: "In just 6 days"

Ogie D, binati si Sarah G dahil sold out na tickets sa anniversary concert: "In just 6 days"

- Binati ni Ogie Diaz si Sarah Geronimo dahil sold out na agad ang tickets nito para sa kanyang anniversary concert

- Sa May 12 pa ang naturang event subalit ngayong Marso pa lang ay nabenta na ang lahat ng tickets sa espesyal na gabi ni Sarah G

- Dahil dito, umaasa raw ang marami na gawing dalawang araw ang naturang event na tiyak na magiging sold out din umano

- Kaabang-abang ang 20th anniversary concert na ito ni Sarah na isa rin siya sa mga direktor

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binati ni Ogie Diaz ang Popstar Royalty na si Sarah Germonimo dahil sa sold out agad ang tickets nito para sa kanyang 20th anniversary concert.

Ogie Diaz, binati si Sarah G sa sold out tickets ng anniversary concert: "In just 6 days"
Sarah Geronimo (@justsarahgph)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na bagama't sa May 12 pa ang naturang concert na gaganapin sa Araneta Coliseum, mabilis na nabenta na kaagad ang lahat ng tickets para sa espesyal na gabing ito.

Read also

Andrea Brillantes sa 'babae na nagyaya' comment: "Ako po yung artist ng Star Magic"

"In just six days. Congratulations! Dahil sold out na ang 20th anniversary concert ni Miss Sarah Geronimo," na agad na na-congratulate si Sarah.

At dahil ubos na agad ang tickets para sa May 12, umaasa raw ang marami na baka sakaling maisipang gawing dalawang araw ang naturang concert na tiyak na magiging sold out din.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang noong 15th year anniversary niya, tinagurian itong 'highest grossing local concert' sa dami ng pumunta at tumangkilik dito.

Tunay na espesyal ang konsyertong ito ni Sarah dahil isa rin siya sa direktor ng event na ito. Co-director din niya si Paolo Valenciano.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie Diaz, Mama Loi at At Mrena mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Sarah Geronimo Guidicelli ang tinaguriang Popstar Royalty ng Pilipinas. Siya ang tinanghal na grand winner ng Star for A night noong 2003. Mula noon, hindi na mapigilan ang kanyang kasikatan dahil bukod sa pag-awit, nakilala rin siya bilang isang mahusay na aktres.

Read also

Christian Bables sa pagbungisngis sa TV Patrol: "Hirap pigilan ng tawa"

Sa naunang ulat ng KAMI, matatandaang todo puri ni Cristy Fermin si Sarah Geronimo sa pagiging mabuting anak nito kina Mommy Divine at Daddy Delfin at mabuting asawa naman kay Matteo Guidicelli.

Umaasa rin ang marami na sana'y dumating ang mga magulang ni Sarah sa kanyang pinaghahandaang 20th anniversary concert sa Mayo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel