Christian Bables sa pagbungisngis sa TV Patrol: "Hirap pigilan ng tawa"

Christian Bables sa pagbungisngis sa TV Patrol: "Hirap pigilan ng tawa"

- Naikwento ni Christian Bables sa Showbiz Update ni Ogie Diaz ang tungkol sa pagbungingis niya sa 'TV Patrol'

- Naging usap-usapan ang guesting niya sa nasabing programa bilang kauna-unang male celebrity na naging guest anchor

- Subalit naging usap-usapan din ang pagbungingis nito na dahil umano kay Kabayan Noli de Castro

- Si Christian ay isa sa mga kinikilalang aktor sa bansa na nagwagi na ng kabi-kabilang award sa pag-arte

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakapanayam nina Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel na Showbiz Update ang aktor na si Christian Bables.

Christian Bables sa pagbungisngis sa TV Patrol: "Hirap pigilan ng tawa"
Christian Bables (@christianbables)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito umano ay tungkol sa nag-viral na short clip na kuha sa guesting niya sa TV Patrol.

Makikita sa video na hindi napigilan umano ni Christian na mapatawa habang binabasa ang kanyang ulat.

Read also

Andrea Brillantes, may cryptic post: "Paint me as the villain if that makes you feel better"

"'Yung last part, nasa gilid ko kasi si Kabayan tapos i Miss Karen. Iba 'yung feelig kapag katabi mo na 'yung mga anchors. Lalo na kapag bumanat si Kabayan ng joke. Hindi mo talaga mapipigilang hindi matawa at hindi mag-buckle dahil, iba... Iba si Kabayan mag-crack ng joke," ani Christian.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Wala na I lost it. Bahala na, itatawa ko 'to. Kasi ang hirap pigilan ng tawa," dagdag pa niya.

Gayunpaman, isa umanong karangalan sa kanya na makasama sa pag-uulat ang mga batikang news anchor sa bansa.

Samantala, maituturing na mahalagang araw ang guesting na ito ni Christian bilang siya ang pinakaunang male actor na naging male news anchor sa sa TV Patrol.

Si Christian Mercurio Bables ay isang Filipino actor. Hinirang siya bilang Best Leading Actor sa 5th Hanoi International Film Festival para sa karakter niyang "Intoy" sa pelikulang Signal Rock. Nagwagi rin siya bilang Best Supporting Actor sa Gawad Urian para sa kanyang trans woman role na si "Barbs" sa pelikulang Die Beautiful na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros.

Read also

Anne Curtis, apektado rin nang maging emosyonal si Kulot

Samantala, isa sa pinakaabangan ang mga videos ni Ogie Diaz sa kanyang mga YouTube channel na Ogie Diaz Inspires at Ogie Diaz Showbiz Update. Dito masasagap ang pinakamaiinit na balita at kontrobersiya sa loob at labas ng showbiz at makapagbibigay inspirasyon naman ang panayam niya sa iba't ibang kilalang personalidad sa bansa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel