Ogie Diaz matapos ang kontrobersiya sa dating alaga: "Basta ang importante tapos na ito"

Ogie Diaz matapos ang kontrobersiya sa dating alaga: "Basta ang importante tapos na ito"

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz patungkol sa tila natapos nang kontrobersiya sa kanila ng kanyang dating alaga

- Aminado siyang naghinay-hinay muna siya sa pag-manage ng mga talents

- Sa ngayon ay nakatutok siya sa vlogging kung saan niya umano nakita ang kanyang passion

- Matatandaang makailang beses na nagpalitan ng kani-kanilang pahayag sina Ogie Diaz at dating alaga na si Liza Soberano

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Matapos ang halos ilang linggo ng mainit na balitaktakan patungkol kay Liza Soberano at sa mga 'di umano'y naging pasabog nito sa mga naging interview sa kanya, nagbigay pahayag muli ang kanyang dating manager na si Ogie Diaz.

Ogie Diaz matapos ang kontrobersiya sa dating alaga: "Basta ang importante tapos na ito"
Ogie Diaz
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa umpisa ng episode ng kanyang Showbiz Update ngayong Marso 17, tila nag-move on na si Ogie sa mga isyu kaugnay sa kanyang dating alaga.

Read also

Zeinab, emosyonal sa birthday greeting para kay Rana: "Hindi ko siguro kinaya lahat kung wala ka"

"Okay naman, tuloy pa rin ang buhay. Basta ang importante tapos na ito.. at yung mga issue naman ng bayan," ani Ogie.

"Nag-mellow na nga po ako. Hindi na nga po ako masyadong nagma-manage. I'm into vlogging alam niyo na. So ito na yng natagpuang passion. Kaligayahan. So konti na lang po 'yung aking mina-manage. Katulad nina Aiko Melendez. Si Kim Rodriguez..." dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nais umano niyang bigyang oras muna ang sarili gayundin ang kanyang pamilya.

"Konti nalang po 'yung mina-manage ko para ma-manage ko naman ang aking buhay. Ako rin po ay isang ama... na yung aking mag-iina naman ang aking pag-uukulan ng atensyon."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Update" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Read also

Dating road manager ni Liza, sumagot umano sa isang netizen: "Ako po ay hindi mukhang pera"

Sa mga naunang episodes ng kanyang Showbiz Update channel, halos makailang beses nang nasabi ni Ogie na hindi umano siya galit sa dating alaga na si Liza Soberano sa mga naging pahayag niya mula nang ilabas ang kanyang 'This is me vlog.' Nagawa rin niyang linawin ang isyu tungkol sa komisyon sa pagiging manager ni Liza sa loob ng sampung taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel