Mariel Padilla, binenta ang sosyaling mga damit ng anak sa kanyang 1st anniversary bilang live seller

Mariel Padilla, binenta ang sosyaling mga damit ng anak sa kanyang 1st anniversary bilang live seller

- Ani Mariel Padilla, bilang pagdiriwang niya ng kanyang ika-unang taon bilang live seller ay ibinenta niya ang mga bagay na mahalaga sa kanya

- Ito ay ang ilan sa mga branded na damit ng kanyang mga anak na talaga namang sosyalin

- Umani ito ng mga reaksiyon lalo na mula sa mga netizens na hindi sanay sa mga second hand na branded

- May mga nagsabing sa presyo ng damit at gamit ng mga anak ni Mariel ay parang sinampal sila ng kahirapan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Minabuti ni Mariel Padilla na ibenta na rin ang aniya'y mga gamit na mahalaga para sa kanya. Ito ay ang mga branded na damit at sapatos ng kanyang mga anak na sina Isabella at Gabriela.

Mariel Padilla sa mga nagsabing iiwan din siya agad ni Robin: "Happy ba kayo?"
Mariel Padilla sa mga nagsabing iiwan din siya agad ni Robin: "Happy ba kayo?" (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Aniya, sakanyang isang taon bilang live seller, ibebenta niya ang ilan sa mga gamit ng mga anak na talaga namang mamahalin. Umani ito ng mga reaksiyon lalo na mula sa mga netizens na hindi sanay sa mga second hand na branded.

Read also

Dalawang kapatid ni Coco Martin, bahagi rin ng FPJ Batang Quiapo

May mga nagsabing sa presyo ng damit at gamit ng mga anak ni Mariel ay parang sinampal sila ng kahirapan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Nagbahagi kamakailan ng picture si Mariel sa kanyang Instagram feed. Ito ay ang picture niya kasama ang kanyang dalawang anak na sina Isabella at Gabriela. Marami ang humanga at nakapansin sa kagandahan ng mag-iina kaya naman, marami ang nagkomento sa naturang post ni Mariel.

Nagbigay naman ng babala si Mariel kaugnay sa fake account na nagkukunwaring siya. Sa binahaging screenshot ni Mariel, makikita na ang tinututkoy niya fake account ay may handle na @marieltpadilla_ - Dinagdagan lamang ng underscore ang dulo ng username kaya marami ang maaring maniwalang pagmamay-ari iyon ni Mariel. Makikita sa profile ng fake account na nang-eengganyo ito bilhin ang mga produktong tinitinda niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel