Rob Mananquil, dinatnan ang bahay na magulo; nanakawan din ng mga gamit

Rob Mananquil, dinatnan ang bahay na magulo; nanakawan din ng mga gamit

- Ibinahagi ng ex-husband ni Maxene Magalona na si Rob Mananquil ang pagkagulantang niya nang datnan niya ang bahay na gulo-gulo

- Bukod dito marami umano sa kanyang mga gamit ang nabasag at nawala sa naturang bahay

- Aniya, matapos ang kanyang tatlong buwang pamamalagi sa bahay ng kanyang mga magulang ay nagpasya siyang umuwi sa bahay niya at iyon ang kanyang nadatnan

- May mga nagkalat din umanong mga droga sa kanyang bahay na hindi niya natirhan sa loob ng mahabang panahon dahil namalagi siya sa ibang bansa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Rob Mananquil, ex-husband ni Maxene Magalona hindi niya inasahan madatnan ang bahay niyang gulo-gulo at may mga nabasag at nawawalang gamit. Sa kanyang Instagram post, naibahagi ni Rob na matapos ang tatlong taon ay umuwi siya sa bansa.

Read also

Solenn Heussaff, binahaging nakalipat na sila sa kanilang bagong bahay

Rob Mananquil, dinatnan ang bahay na magulo; nanakawan din ng mga gamit
Rob Mananquil, dinatnan ang bahay na magulo; nanakawan din ng mga gamit (Image courtesy of Facebook: Robma Mananquil)
Source: Facebook

Napagpasyahan niya raw na manatili muna sa bahay ng kanyang mga magulang nang tatlong linggo para makasama niya ang kanyang pamilya at naging masaya naman daw ang kanilang muliang pagsasama-sama.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Rob Mananquil, dinatnan ang bahay na magulo; nanakawan din ng mga gamit
Rob Mananquil, dinatnan ang bahay na magulo; nanakawan din ng mga gamit (@robmananquil)
Source: Instagram

Nagulantang siya na madatnang gulo-gulo ang kanyang bahay at may mga gamit pa daw siyang nabasag at nawala. May mga droga din daw na nakakalat sa kanyang bahay.

Rob Mananquil, dinatnan ang bahay na magulo; nanakawan din ng mga gamit
Rob Mananquil, dinatnan ang bahay na magulo; nanakawan din ng mga gamit (@robmananquil)
Source: Instagram

Si Maxene Magalona ay isang aktres sa Pilipinas na anak ng sikat na rapper na si Francis Magalona. Kapatid niya ang aktor na si Elmo Magalona at ang social media personality na si Saab Magalona. Mayo ng taong 2020 nang isapubliko niya ang tungkol sa kanyang mental illness.

Naibahagi kamakailan ni Maxene kung ano ang kanyang pagkakaparehas at pagkakaiba sa kanyang sarili noon at sa kasalukuyan. Aniya, naniniwala siyang hindi tama na itatwa niya ang nakaraan niya dahil makakapigil umano ito sa pagpapabuti niya sa sarili. Aniya, ang pagtanggap sa kanyang nakaraan ay susi sa pagpapalaya ng mga negatibong enerhiya. Paraan din umanot ito upang maisaayos ang anumang hindi magandang ugali.

Read also

Internal Security personnel sa Puregold, naiyak nang humingi ng dispensa

Sa gitna ng pagkakadawit ng pangalan niya sa isyu ng umano'y problema ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce, isang makahulugang post ang binahagi niya. Ito ay mula sa Instagram page na @the_higher_self_'s page. Tungkol ito sa hindi na kailangan pang ipaliwanag ang sarili sa ibang tao. Sa naturang quote ay nakasaad na kung hindi naman naiintindihan ng ibang tao ay ayos lamang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate