Freddie Aguilar, ibinahagi ang kanyang pagkanta ng awitin niyang "Anak"
- Ibinahagi ni Ka Freddie Aguilar ang video ng kanyang performance ng iconic niyang kantang "Anak"
- Marami ang naantig sa tagos sa pusong pag-awit ni Ka Freddie sa naturang kanta na halos 45 na taon na ngunit patuloy pa ring pinapakinggan ng mga tao
- Sa gitna ng kaganapan sa buhay ng kanyang anak, hindi maiwasan ng ilang netizens na mabanggit ang pangalan ni Maegan Aguilar sa comment section
- Matatandaang naging usap-usapan si Maegan matapos nitong magpositibo sa droga sa inilabas na resulta ng test na ginawa bilang kondisyon sa pagtulong ni Sen. Raffy Tulfo sa kanya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Binahagi ni Ka Freddie Aguilar ang kanyang tagos-pusong pagkanta ng awiting "Anak." Sa gitna ng kaganapan sa buhay ng kanyang anak, hindi maiwasan ng ilang netizens na mabanggit ang pangalan ni Maegan Aguilar sa comments section.
Bukod sa damang-dama ni Ka Freddie ang awitin, marami ang natuwa sa ibang rendition niya sa awitin na halos 45 taon nang pinapakinggan ng publiko matapos nitong mapabilang sa finals ng 1978 Metropop Song Festival.
Narito ang ilan sa komento ng netizens:
Kahit 44 years old na *kantang Anak * taon taon naging new ver na!! parang new born!
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Kaka, keep on inspiring others with your songs. Hallelujah. More power. God bless you
Mabuhay Ka Freddie! Walang kupas! Walang kamatayan ang awiting obra na itinanghal sa buong mundo.
Si Freddie Aguilar o Ferdinand Pascual Aguilar sa totoong buhay ay isang kilalang Pinoy folk musician na nakilala sa kanyang awiting "Bayan Ko" at "Anak." Nagsimula siyang magtanghal sa publiko noong 1973 nang makapagtrabaho siya sa Hobbit House sa Ermita, Manila. Matatandaang taong 2018 nang matupok ng apoy ang bahay nina Freddie sa Quezon City. Nakaligtas naman ang kanyang pamilya sa naturang sunog.
Ikinasal siya sa unang asawa na si Josephine Queipo noong 1978 at nabiyayaan sila ng apat na anak. Sila ay sina Maegan, Jonan, Isabella, at Jeriko. Isinapubliko ng mang-aawit ang kanyang relasyon sa kasalukuyang asawa noong October 17, 2013. Ikinasal sila ni Jovi Gatdula Albao noong November 22, 2013 sa Islamic rites sa Buluan, Maguindanao.
Kamakailan ay isang nakakatuwang anniversary message ang binahagi ng maybahay ni Ka Freddie sa kanilang pagdiriwang ng kanilang ika-9 na taong pagsasama. Nagbalik-tanaw ang asawa ni Ka Freddie na si Jovie sa araw kung kailan niya sinagot si Ka Freddie at aniya ay hindi naging mabait sa kanya ang mundo noong siya ang piniling mahalin nito. Gayunpaman aniya ay naging mabait sa kanya ang Panginoon at kung bibigyan umano siya ng pagkakataon na bumalik sa umpisa ay si Ka Freddie pa rin ang pipiliin niya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh