Rendon Labador, muling pinagsalitaan si Coco Martin: "Bakit ang tigas ng mukha mo?"
- Muling nagsalita si Rendon Labador kaugnay sa umano'y abalang naidudulot ng pagshooting ng seryeng Batang Quiapo
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Aniya, nakakaperwisyo na ito sa mga vendors sa naturang lugar dahil hindi na sila nakakabenta
- Dagdag pa niya, dapat ay huwag mamerwisyo si Coco Martin kung wala itong budget para sa sarili niyang studio
- Matapos ang nilabas na video ni Rendon ay walang nilalabas na pahayag ang kampo ni Coco at ng naturang serye
Muling napagsalitaan ni Rendon Labador si Coco Martin sa binahagi nitong video. Inalmahan niya ang aniya'y perwisyong naidudulot ng pag-shoot ng seryeng FPJ's Batang Quiapo dahil nagrereklamo na umano ang mga vendors.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dagdag pa niya, dapat ay huwag mamerwisyo si Coco Martin kung wala itong budget para sa sarili niyang studio.
“Kung hindi mo babayaran lahat ng damages at losses sa pag gamit mo ng lugar, umalis-alis ka na diyan. Para sa PUBLIKO at MAMAYANG PILIPINO YAN! Ginawa mong pansarili mo lang? Hindi ka batang Quiapo, isa kang ‘anak ng tokwa’.”
Kagaya sa mga nauna niyang video na nilalabas, samu't-saring komento ang kanyang mga sinabi. May mga sumang-ayon sa kanya at meron ding nagbatikos sa kanya at pinagtanggol si Coco.
Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.
Matatandaang hinamon ni Kiko Matos ang influencer na si Rendon para sa isang one-on-one. Nasabi na rin nito sa isang video na handa siyang magdemanda sa tinaguriang motivational speaker. Kaugnay ito sa pagsapak sa kanya ni Rendon pagkatapos ng basketball match ni Rendon at isa pang YouTuber. Si Kiko ay naroroon din sa venue para magsilbing commentator sa nasabing match.
Matapos ang pag-viral ng pagsampal niya kay Kiko Matos, naglabas ng kanyang pahayag si Rendon. Nilinaw niyang walang kinalaman ang lahat ng affiliations niya at mga produktong iniendorso niya. Naiintindihan niyang karapatan ni Kiko na magdemanda dahil sa kanyang nagawa sa naganap na Battle of the YouTubers: Rendon vs. Jonah. Hindi niya umano pino-promote ang violence at hindi siya proud sa kanyang ginawa ngunit nais niyang ibahagi ang mensahe sa mga tao na huwag hayaang tapakan ng ibang tao.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh