Lai Austria, nakipag-collab kay Boy Tapang para umano i-comfort ito bilang kaibigan

Lai Austria, nakipag-collab kay Boy Tapang para umano i-comfort ito bilang kaibigan

- Ibinahagi ni Lai Austria ang isang video sa kanyang YouTube channel kasama ang content creator na si Boy Tapang

- Aniya, kailangan niyang i-comfort si Boy Tapang bilang isang kaibigan dahil sa umano'y pagiging heart-broken nito

- Sa naturang video ay nag-mukbang sila kagaya sa mga karamihan sa content ni Boy Tapang

- Matatandaang kamakailan ay nag-trending ang patutsadahan nina Boy Tapang at ni LJ Satterfield

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakipag-collab si Lai Austria sa vlogger na si Boy Tapang. Ani Lai, kailangan niyang i-comfort si Boy Tapang dahil sa pinagdaanan nito kamakailan.

Lai Austria, nakipag-collab kay Boy Tapang para umano i-comfort ito bilang kaibigan
Lai Austria, nakipag-collab kay Boy Tapang para umano i-comfort ito bilang kaibigan (facebook.com/BoyTapangg)
Source: Facebook

Sa naturang vlog ay nag-mukbang sila at kumain ng siopao. Marami naman sa mga viewers sa vlog ni Lai ang naaliw dahil sa kwelang kulitan nilang dalawa.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

More vlog pa sa inyong dalawa lodz.. ano ba to parang kinikilig ako sa inyo. Lakas maka inlove. Sana totoo at di scripted.. solid supporter boy tapang. Godbless and more content pa please. Yung subrang laughtrip at kilig aayyiieeehhh ssshhhhh

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bakit ganern!? Kinikilig ako sa inyo May chemistry ♥️ More Collab please
nulit ko ang video nyo grabi nakakakahawa ang tawa nyo mga lodz ko...ang kulit sa mangga hehehe.. dapat ganyan lang cool. more collab pa godbless..aayyiieeehhh nakakakilig talaga
Lai Austria, nakipag-collab kay Boy Tapang para umano i-comfort ito bilang kaibigan
Lai Austria, nakipag-collab kay Boy Tapang para umano i-comfort ito bilang kaibigan (@www.facebook.com/profile.php?id=100075928027617)
Source: Facebook

Si Boy Tapang ay isang content creator na nakilala sa kanyang vlogs kung saan kadalasan ay nag-mumukbang siya ng mga prutas at iba pang pagkain sa kanilang lugar at kakaibang content kung saan wala siyang inaatrasan. Kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit dalawang milyong subscribers sa YouTube at maghigit dalawang milyon din sa Facebook.

Matatandaang minsan nang na-feature ang kakaibang love story nina Boy Tapang at LJ sa Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan humakot ito ng 10M views sa loob lamang ng isang araw. Marami ang napa-sana all sa kanilang pag-iibigan lalo na ang mga kalalakihan at nabigyan sila ng pag-asang makahanap ng tulad ni LJ.

Sa naunang ulat ng KAMI, naibahagi ang tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nina Boy Tapang at umano'y girlfriend nitong si LJ Satterfield dahil sa pasaringan umano ng dalawa online .Matatandaang minsan na silang nai-feature sa KMJS at nagpakilig sa marami dahil sa kanilang kakaibang love story.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: